LUMABAS din siya ng bahay at naabutan niyang animo pinag-aagawan nina Jaime at Nathan si Katrina. Lalo na yatang gumugulo ang mga pangyayari. Kanina ay ibinunyag ni Jaime sa mga kaibigan ang tunay na estado ng relasyon nito kay Katrina. At ngayon, mukhang pati si Nathan ay alam ang lahat. Sino na lang ang hindi nakakalam? Ano pang silbi ng ginawa niyang panghihimasok sa buhay ni Jaime kung ang masusunod pa rin ay ang kagustuhan nito na ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon kay Marie? Napako ang tingin niya kay Katrina. "May problema ba dito?" Tanong niya. Hindi namalayan ng tatlo na nakalapit na siya sa mga ito. Walang isa mang umimik. But based on both Jaime and Nathan's facial expression, they're about to throw punches. Napangiti siya ng lihim. Masyado pang maaga para sumuko at itur

