"Kakambal?!" Chorus ng tatlo niyang kaibigan. Matutuwa ba siya o maiinis sa ipinapakitang interes ng mga kaibigan niya kay Katrina. Sobrang giliw at hantaran kung magpakita ang mga ito ng interes. Pinagsisihan niya tuloy kung bakit inamin niya na ang tunay na estado ng kanilang relasyon. "Oo, may kakambal ako." All smiles na sagot ni Katrina. "Wow, dalawang ganyan kaganda. It's a miracle!" Comment ni William. "Where she now? Can you ask her to come over?" Tanong naman ni Ding, "But twins though identical still have differences. Mas gusto ko na makilala ka muna ng husto bago mo ako ipakilala sa kakambal mo." Swabe na turan ni Mark. "Don't mind them, kumain ka na." Singgit niya sa usapan. Nilagyan niya ng kanin at Kare-kare ang plate in Katrina. "Yan ang problema Ding, hindi ko alam

