Chapter Five – The Accusation

555 Words
Five years ago “JAIME, anong ibig sabihin nito? Jaime itigil mo ‘yan!” Natauhan siya sa kanyang kahibangan ng marinig ang tinig ni Renato. Nilingon niya ito at nakita niyang nakatayo ito sa may pintuan ng CR katabi ang ilang kabataang babae. “Wala akong---” Naputol ang nais niyang sabihin ng tabigin siya ng mga kabataang babae. They rushed immediately to the girl behind him. “Jaime anong ginawa mo? Kaalis lang ni Marie at bakit dito sa loob ng CR ng mga lalaki? Papaano kung may ibang nakakita sa inyo?” Iiling-iling na sabi ni Renato. “Mali ang interpretasyon mo. Wala iyong ibig sabihin, pinagbigyan ko lang ang kalokohan ng babaeng ito.” Medyo galit na sabi niiya. Although he’s not proud of what he did, kailangan niyang ipagtanggol ang sarili, ayaw niyang mapagdudahan ang katapatan niya kay Marie. “Don’t act as if you’re innocent. You tried to r**e her. I heard she’s calling out for help.” Matinding akusasyon ng mestisang teenager. “Ano?!” Hindi makapaniwalang bulalas niya. “Nakita ko ng pilitin mong pumasok rito si Katrina.” Pagsegunda ng isa pang kabataang babae. “Mr Manager, look at Katrina’s wrist it’s bruised. After the redness it will turn into pasa!" Slang na sabi ng mestisang babae. “Proof that she was forced by your waiter.” She added. He was stunned. All he could do was to stare at the girl who’s behind all of this crap. She remained quiet. There were strands of hair that fell on her face. Her cheeks were red and her lips were a bit swollen. She looked as if she’s going to cry. Ito pa ang may ganang umiyak? Samantalang ito ang mapilit na halikan niya.Bakit ayaw nitong sabihin ang totoo para matigil na ang lahat ng ito? “Ano bang drama ito,” he shouted at her. “Sabihin mo sa kanila na ikaw ang pumasok rito at ikaw ang namilit na halikan kita.” He knew what he said sounded stupid, but that’s the truth. “Funny! Look at yourself. Sino believe you!” Barok na sabi ng mestisang babae. “You look indecent” “Sandali, hindi natin kailangan na magsigawan. Pwede ba nating pag-usapan ito ng maayos. Halika, lumabas na tayo rito. Baka nagkakamali lang kayo, kilala ko si Jaime. He wouldn’t do anything like this.” Pagtatanggol ni Renato sa kanya. “Stop this bullshit! I don’t want to hear excuses.” Matinis na sigaw muli ng mestisang babae. “You better call the police and have him arrested.” “Watch your language. Matuto kang rumespeto sa matanda sa’yo.” Saway niya rito. Kanina pa niya gustong pilipitin ang dila ng mestisang dalagitang ito na wala ng ginawa kundi akusahan siya. “Bakit hindi natin pagsalitaan si Miss-” Renato suggested. “Katrina Graciella Gomez, that’s her name.” sabad ng isa sa mga kaibigan nito. “Katrina, tell them he abused you.” Susog ng malditang mestisa. She looked at him and opened her lips to say something. Pero walang lumabas sa bibig niya dahil sa isang iglap ay natumba ito sa mga kaibigan. She fainted.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD