NAHAHAPONG ibinaba niya ang handset ng telepono. Hindi na niya mabilang kung ilang phone calls na ang natanggap niya at ang lahat ng iyon ay para lang i-congratulate siya sa pagpapakasal niya. Napakabilis ng pagkalat ng balita sa kanilang opisina. Tama nga yata si Katrina, kailangan niyang magpa-circulate ng memo about avoiding gossip during working hours. Biglang bumukas ang pinto. "Ma'am, hindi talaga pwede." Ani Rina habang hawak sa braso si Marie. "Bitiwan mo nga ako," piglas ni Marie. "Rina, you may leave us now. Thank you." "Alis!" Sigaw ni Marie kay Rina. "Matuto kang gumalang sa magiging asawa ng boss mo." Dagdag pa ni Marie. "Aliwan sika met so asawa," Bulong ni Marie. Pangalatok ng 'Hindi naman ikaw ang asawa eh." "Ano sinasabi mo?" "Sabi ko po sorry Madam." Mapang-uyam n

