INIS na binuksan niya ang pinto ng kanyang silid. Sinubukan niyang buksan ang guest room na tinulugan niya kahapon pero naka-lock iyon pati na ang iba pang kwarto sa bahay ng kanyang Lolo. Hindi naman niya magawang hingin ang susi sa kanilang mga kasambahay dahil malalaman ng mga ito na sa ibang kwarto siya matutulog, hindi sa tabi ng kanyang asawa. He didn’t want to be with her as much as possible. Sari-saring emosyon ang pinagdaanan niya mula pa kaninang sa umaga. Nasira na ang araw niya mula ng sabihin nito na ang galing nilang umarte. Nadagdagan ang inis niya ng marinig niya sa phone na may kasama itong lalake. Nahiya siya sa inasal niya kanina sa meeting for acting like a love struck teenager. Nasaktan pa siya sa sampal na nakuha niya kay Marie. Lastly the scene of her claiming she

