"NATAKOT ako kanina, akala ko susuntukin ka ni Jaime," sabi ni William habang nagmamaneho. Nakasakay sila ni Ding sa kotse nito. They decided earlier to use one car and they just park their cars at William's house. "Oo nga, totoo bang gusto mo si Katrina?" tanong ni Ding. He chuckled. "Am I that convincing?" "Oo, umusok nga ilong ni Jaime sa inis sa iyo." Sagot ni William ng hindi tumitingin sa kanya. Nakaupo siya sa tabi nito samantalang nakaupo naman si Ding sa likod. "Hayaan mo siya. Taas lang ng pride nun, ayaw aminin na napasunod siya ni Don Eduardo," aniya, "Tingin mo? Alam mo naman kung gaano kabaliw si Jaime kay Marie. Baka talagang naipit lang kaya nagpakasal sa iba." Sabi naman ni Ding. "Hindi rin," sagot ni William. "Sa ating apat si Jaime ang hindi mo mapipilit kung aya

