"NAG-USAP kami kagabi ng Lolo mo Jaime. He somehow admitted that he manipulated you and Katrina." Nag-aalalang sabi ni Lorena habang nakatayo sila sa may harapan ng kanilang bahay. Paalis na sana siya papasok sa opisina pero sadya yatang hinihintay siya nito dahil nakatayo ito malapit sa front door, ilang habang ang layo mula sa kotse niya. "Why did you let this happen?" Dagdag pang tanong ni Lorena. "Ma, huwag kang masyadong mag-alala, magkakaroon ka lang ng mga wrinkles niyan." Biro niya sabay yakap rito. "Jaime, seryosohin mo nga ako," kumalas si Lorena sa yakap niya. "Is it because of Marie, you marry Katrina to put on a show for her?" "No, walang kinalaman si Marie sa naging desisyon ko." Inakbayan niya ang ina habang humahakbang sila papunta sa kanyang sasakyan.. "Then what? Wh

