"ANG galing nating umarte noh?" Basag niya sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Jaime habang nag-drive ito. She cannot bear the silence after the intimate moment they've shared just a while ago. Siguradong napaniwala nila ang Mama ni Jaime. Halos dapuan nga sila ng mga bubuyog dahil para silang honey sa ka-sweetan. Honey! She loved it everytime he called her that. Kinikilig siya, natutuwa at umaasa. Para siyang bumabalik sa kabataan. Nararamdaman niya uli yung same kilig kapag nakita mo si crush. Natutuwa na malaman na gusto ka rin ng crush mo. At umaasa na sana kayong dalawa na ang magkatuluyan. Pero hindi na siya bata, ilang buwan na lang twenty three na siya. Dapat alam na niya na maling kiligin, matuwa at umasa dahil ang lahat ng ito ay walang kabuluhan. She ma

