“YOU are late, bakit ngayon ka lang?” Sita ni Jaime sa kanya. “Mabuti naman at naisipan mo na akong kausapin,” she said with relief. Kanina pa siya nakaupo sa harap ni Jaime pero hindi man lang siya nito pinapansin. Napasukan niya ito na may kausap sa telepono at medyo matagal din siyang naghintay bago nito tinapos ang pakikipag-usap. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, bakit ngayon ka lang dumating.” Kunot-noong tanong nito sa kanya. “Even if you owned the company, you should be a good example to your employees, dapat dumating ka on time.” Kung gaanong kagiliw sa kanya si Don Eduardo ay siya namang ikinasungit sa kanya ng apo nito. Mula ng magkita silang muli ni Jaime, he proved to her that she’s the waiter from before, the snobbish hunk who refused to kiss her. Na hindi pa rin ito

