AFTER a day of reading the company’s profile, she went straight home. Sobrang napagod ang mga mata niya sa pagbabasa ng makapal na portfolio ng kompanya. Naka-compile ito sa isang makapal na libro, mula sa pagpapasimula ng kompanya hanggang sa naging malaking korporasyon na ito. Maliban pa sa pagod ng pakikipag-iringan kay Jaime. He insisted that she changed her dress. Nagulat siya ng sabihin nitong magpalit siya ng damit na pang-madre. Napagkamalan siya nito na isa sa mga humihingi ng donasyon kay Don Eduardo. Pinahindian niya iyon pero sa huli ay napasunod din siya nito at pumili ng mas mahabang damit pampalit sa suot niyang pulang dress. That guy could be very demanding. “Really! You were offered a job as a CEO?” Sabi ni Karina sa kabilang linya. "Yes, you heard it right. I still do

