HALOS pumikit na sa antok ang mga mata niya sa pagbasa ng accounting books na nasa kanyang harapan. After her break, sinimulan na niya iyong basahin. Mahigit isang oras na siyang nagbabasa pero wala pa rin siyang maintindihan. . Jaime instructed her to read the last year’s financial books. The expenses and earnings of the company. Nakakailang page pa lang siya ay sumusuko na ang mata niya. She can’t decipher if it’s because she felt full or because she can’t stand numbers. Kahit anong pigil niya ay inaantok siya sa binabasa. She closed her eyes. Kahit ilang minuto lang ay pagbibigyan niya ang antok na nararamdaman para maiwasan niya ang pagsakit ng ulo. Tutal ay wala pa naman si Jaime, maari siyang maidlip kahit sandali. Napadilat siya ng mata ng maisip si Jaime, nasaan na ba ito? She

