“DON EDUARDO, you can’t do that. I won’t accept it.” Nagpunta siya sa opisina nito upang linawin ang tungkol sa mga maling paratang sa kanya ni Marie. Pero bago pa man siya makapagsimula, ibinigay na nito sa kanya ang dokumento na naglalaman ng paglilipat sa kanyang pangalan ng lahat ng shares nito sa kompanya. “Dapat ay maging masaya ka sa halip na mag-alala.” “Ako po ang hindi makaintindi sa inyo. Why are you doing this? Bakit kailangan na sa akin pa ninyo ibigay ang lahat ng ito?” Inabot niya pabalik kay Don Eduardo ang hawak na papel. “Hinding ko po iyan matatanggap. Anong malay ko sa pagpapatakbo ng hotel?” “It’s written here, one of the provisions of the transfer, ikaw ang mamahala ng hotel at tangging ang asawa mo lang pwedeng humalili sa iyo.” “And you think that’s a solution.

