Chapter One – A Loving Mother

1044 Words
“JAIME, anong ibig sabihin nito?” Nababahalang tanong ni Lorena tungkol sa artikulong nakasulat sa hawak nitong newspaper. “Good morning.” Itinigil niya ang pag-aayos ng kurbata at humalik sa pisngi ng ina. “This must be important for you to come here at this very hour, it’s only seven.” “I just want to know if it’s real, siguradong magtatanong ang Lolo mo tungkol dito.” Inabot nito ang newspaper sa kanya. Lorena walked towards his bed to arrange the bed covers. “You don’t have to do that. There’s a help coming in about an hour.” Pigil niya rito. Nawala ang atensyon niya sa hawak na peryodiko. “Let me do this, mula ng bumukod ka ay bibihira na kitang maasikaso.” Iyon ang labis niyang hinahangaan sa ina. Nag-iisa itong anak ni Don Eduardo Imperial, may-ari ng chains of hotels ng Grand Imperial Group dito sa Pilipinas at sa ilang bansa sa Asya. Pero kahit na may mataas na katayuan sa buhay, nanatiling mapagpakumbaba at makatao ang kanyang ina. She maintained her low profile. Noong kabataan nito ay dumalaw ito sa Grand Imperial Palace sa Davao, nakilala nito si Julian Montano, bellboy ng hotel. Lingid sa kaalaman ng mga naroon na si Lorena ang anak ng may-ari ng hotel. Kaya ng mabighani si Julian kay Lorena, hindi na ito nag-atubili pa sa pagsuyo sa dalaga. Matipuno, maprinsipyo at responsible si Julian kaya mabilis na nahulog ang loob ni Lorena rito. Sinagot ito ni Lorena pagkaraan lang ng isang buwang panliligaw, she was just eighteen then and Julian was twenty one, nasa edad ng kapusukan. Alam ni Julian na ang palagi nilang pagsasama ni Lorena ay maaring humantong sa mas malalim na ugnayang pisikal pero ayaw naman nito na samantalahin ang pagiging inosente ng nobya, kaya sa halip na makagawa isang bagay na labag sa batas ng Diyos, minarapat na nilang magpakasal agad. Tatlong buwan ng buntis si Lorena ng dumating sa Davao si Don Eduardo Imperial. Sinubukan nitong bawiin ang anak pero tumangging sumama si Lorena at ninais pang maghirap kaysa iwanan ang asawa. Oportunista ang tingin ni Don Eduardo kay Julian. Pero wala iyong katotohan, huli na ng malaman ni Julian ang tunay na katuahan ni Lorena. Inamin lang ni Lorena ang ginawang paglilihim kay Julian ilang araw bago ikasal ang mga ito. Ipinakita ni Julian na wala itong interes sa kayamanan ng asawa at biyenan. Dinoble nito pagsisikap sa pagtatrabaho sa hotel para mapatunayan na kaya sila nitong buhayin. Hindi naman naging masama si Don Eduardo, hinayaan nitong si manatili si Julian sa trabaho at hindi rin naman nito itinakwil ang anak. Walang pinansiyal na tulong na natatanggap ang mag-asawa ngunit pinanatiling bukas ni Don Eduardo ang komunikasyon sa anak. “If you want Ma, bumalik na tayo sa dati nating bahay sa Davao. Nami-miss ko na ang mga luto mo.” “Jaime, alam mong hindi ko maiiwan ang lolo mo sa pangangalaga ng mga katulong, hindi na mauulit pa ang ginawa kong pagtalikod kay Papa.” Tukoy nito sa pag-aasawa ng maaga. Ulila na sa ina si Lorena at tangging ito na lang ang inasahan ni Don Eduardo. He sighed. Alam niyang imposilble ang hinihiling niya, but there were times he wished he could go back to his simple life. At the age of fifteen, they resided at Don Eduardo’s residence when his father died. Nagsisimula na noong umunlad ang kanilang buhay. They already owned a house and a second hand car. Pero nawalan lahat iyon ng halaga ng mamatay ang Papa niya, he had a fatal heart attack while he was driving and ended up hitting a gutter. Julian was dead on the spot. Lorena almost had a nervous breakdown. Sobrang biglaan ang mga pangyayari kaya labis iyong dinamdam ng kanyang ina. Mabuti’t nakaalalay si Don Eduardo sa kanila. Although his father and grandfather never reconciled, he knew his father earned his grandfather’s respect. Nang mapunta na sila sa poder ng kanyang lolo, pinanatili ng Mommy niya ang simple nilang pamumuhay. He continued his schooling sa pubic school and when he entered college, he studied at the state university. Si Lorena ang tumustos sa mga gastusin niya sa kolehiyo mula sa insurance premium ng kanyang ama. Hindi naman iyon tinutulan ng kanyang Lolo sa kondisyong kailangan niyang pamahalaan ang buong Imperial Group sa edad na trenta, tatlong buwan mula ngayon. Ngunit malabo pa iyong matuloy dahil sa hindi pa rin naayos ang alitan sa pagitan niya at ng kanyang lolo. Nag-ugat iyon sa pagkakasangkot niya sa isang gulo, limang taon na ang nakakalipas at mula noon ay bihira na silang mag-usap ng lolo niya maliban kung trabaho ang kanilang pag-uusapan. Balewala sa kanya kung matagalan pa ang pag-take over niya sa kompanya. Masaya siya sa kasalukuyan niyang posisyon bilang head ng personnel department at hindi rin siya nagmamadaling akuin ang napakalaking responsibilidad na ipapasa nito sa kanya. “Bakit kasi hindi ka pa umuwi sa bahay? Ang tagal na ng panahon ng pagiging malamig ninyo ni Papa sa isa’t isa. Tutal ikaw naman nakakabata, ikaw na ang magpakumbaba. Umuwi ka na, iyon lang ang hinihintay ng lolo mo. Mukha namang pinagsisihan na ni Papa ang hindi niya pagtulong sa iyo sa panahong kailangan mo siya,” ani Lorena. “We’re okay, madalas kaming magsalubong sa lobby,” matabang na sagot niya. “Jaime Lorenzo, I didn’t raise you to be cold hearted.” Lorena raised her voice a little. Whenever his mom called him by his full name, he knew she’s starting to get mad. He approached Lorena and kissed her again. “Huwag mo kaming intindihin ni Lolo, aayusin ko ito.” “Promise me son,” sumamo ni Lorena. He nodded. “Ma, kailangan ko ng umalis, may early meeting ako sa legal council namin at sa president ng union. I’ll call you.” Muli siyang humalik sa ina bago humakbang palabas ng silid. “Jaime, sandali,” pigil ni Lorena. “You haven’t answered my inquiry. Totoo bang ikakasal ka na?” “Yes next week,” pabirong sagot niya sabay kindat rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD