Chapter Three – Saved by a Stranger

372 Words
NAISIP niyang maglakad-lakad muna bago umuwi. Baka sakaling makaisip siya ng paraan kung paano malulusutan ang kasalukuyan niyang sitwasyon. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit siya ang napili nito bilang successor at kung ano ang naging basehan nito sa pagpili sa kanya. Alam niyang mayroon itong apo, bakit hindi na lang doon nito ibigay ang pamamahala ng hotel? Kung walang interes ang tunay nitong apo, lalo naman siya, na hindi man lang pinangarap na makapagtrabaho sa hotel. Bahagyang makulimlim ang panahon kaya naisipan niyang lakarin na lang ang kahabaan ng Ayala Avenue. Maglilibot muna siya sa Glorietta at maghahanap ng isusuot na damit para bukas, a seductive dress not a corporate one. Kapag nakita siya bukas ni Don Eduardo, he would realize that she’s just a pretty face. She smiled at her thoughts. Baka sakaling magbago ang isip nito. “Beeep!!!” She looked at her left side and saw a black jaguar. She just closed her eyes and waited to be hit. But she felt a strong grip on her right arm as she was being pulled back. Thank God, she’s alive! Nais din niyang pasalamatan ang may-ari ng kamay na sumagip sa kanya ngunit naunahan siya nitong magsalita. “If you’re going to fantasize don’t do it while crossing the streets of Makati." She felt his lips at her right ear. Nang lingunin niya ito ay ang likod na lang nito ang kanyang nakita. He was walking away. Nakita niyang sumakay ito sa kotseng muntik nang makabangga sa kanya, na huminto pala ilang hakbang mula sa kinatatayuan niya. “Supalado!” Kaya pala siya ang sinisisi nito ay kilala nito ang may-ari ng sasakyan. Isasantabi na lang niya muna ang inis na naramdaman sa lalaking sumagip sa kanya. Marami siyang iniisip at wala siyang panahon sa mga bastos na tao, ang driver ng jaguar at ang lalaking sumagip sa kanya. She breathed in and out, trying to compose herself. She wouldn’t let them ruin her already crazy day. Earlier she was appointed as CEO of Grand Imperial Group and just minutes ago she could have been killed by a reckless driver but a cold hearted hero saved her life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD