Chyrll's point of view continues Lumabas na ako at nakadama ng kalungkutan. Bakit kung sino pa ang mabait ay sila pa ang maagang nawala. Kaya pala madali kong nakausap si Master tungkol sa sakahan namin dahil mana siya sa kanyang mga magulang na mabait. Ang sabi nga ni Ate Perlita. naging seryoso nalang siya sa buhay ng nawala sina Ma'am at Sir. Kawawa naman pala si Master. Lumakad na ako pababa sa second floor at pagkarating ko ay si nakasalubong ko si Ate Perlita na may dalang malaking bag. "Chyrll saan ka galing, ang uniform mo dumating na." "Sa masters bedroom sa third floor Ate, tinignan ko ang larawan ng mga ni Master." Sagot ko at kinuha ang sa kamay niya ang paper bag. "Ako na ang bubuhat nito, bawal ka pang magbuhat." Sabi naman niya at sabay na kami lumakad papunta sa aki

