Rona's point of view Ngayon na lalabas si Madeline kaya maaga akong nagising. Napangiti akong pumunta sa banyo at mabilis na naligo. Sakto wala ang aking mga biyenan sa bahay. Pagkatapos kong naligo ay huminga ako ng malalim, napatingin ako sa aking orasan. Binuksan ko ang aking drawer at nagulat ako dahil wala na ang iniwan ko na engagement. Galit na galit akong lumabas sa aking kwarto. Pinakalma ko na muna ang aking sarili dahil si Dox at ang bata ay nasa sala. "Mommy!" Sigaw ni Madeline na lumapit sa akin. "Baby, your home. Sayang akala ko masusundo kita sa hospital." Sambit ko at niyakap siya. Sumalubong din ang kapatid ni Dox at niyaya niyang pumunta sila sa play room para maglaro. Nang nakapasok na sila sa play room ay inis akong pumunta sa kusina at iniwan si Dox. "Ingga, nawa

