“Huwhat?! Sinabi niya ‘yon, girl?!” malakas na sabi ni Katleya at gulat na gulat rin ito. Nandito kami ngayon sa coffee shop para dito na lang mag-lunch. Masyadong maingay sa cafeteria at nandoon rin ang hockey team. As much as possible iniiwasan namin sila dahil nga sa nangyari nong isang araw na paghaharap namin. Hindi na ko mapakali after naming mag-usap ni Zicco. In-ambush ba naman ako sa library kanina. Tapos nagsabi ng kung anu-ano that made my heart flutter in different way. I don’t want to admit it, peromay certain charm talaga siya that I am admiring sa tuwing magkikita kami. Bukod pa doon, he made a deal with me na kung mananalo daw ang kanilang team sa game next week ay magde-date daw kami. Duh? Pumayag ba ko? Hindi naman! Huwag niya nga akong pangunahan dahil kahit anong gawi

