“Sino yo’ng naghatid sa’yo?” nagulat ako sa pamilyar na boses na ‘yon. Unti-unti akong lumingon at hindi ako makapaniwala kung sino ang nakita ko. Kumurap-kurap ako ng ilang beses at baka imagination ko lang ito. But I see him in front of me. Nakaupo siya sa sofa kanina at tumayo na siya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa naaninag ko na ng mabuti ang kanyang mukha. He looks so fine as ever at may konting beard siya sa kanyang mukha. Hindi ko alam ang sasabihin ko at feeling ko parang hindi ako nakahinga. Is he real? Tinaas ko ang aking kamay at nilapat ko ang aking kamay sa kanyang chest. Para akong napaso at agad ko itong binawi. “Desira…” tawag niya sa pangalan ko at nanginig ang buo kong katawan. His effect on me was just like before. “Lolo?” patanong kong sabi. “Toto

