CARE Patuloy pa rin sa pagwawala si Aaliyah at walang pakialam sa paligid. Lahat ng lumalapit na mga guards rito ay itinutulak lamang ng dalaga. " BAKIT?!?! ANO BANG MERON SAYO NA WALA AKO HA?!?! " sigaw ni Aaliyah habang patuloy pa ring ipinupukpok ang takong ng sapatos sa puntod ni Zeah. " Malandi ka talagang babae ka! Patay ka na nga pero umaabot pa rin ang kalandian mo rito! " muling sigaw ng dalaga. Kasabay ng pagwawala ng dalaga ay ang walang tigil na paglalandas ng luha sa kanyang pisngi. Muli sanang ipupukpok ng dalaga ang hawak na sapatos sa puntod ni Zeah nang mapatigil ito sa narinig na salita. " AALIYAH! " sigaw ng isang binata. Napatigil naman ang dalaga sa kanyang ginagawa at nanghihinang nabitawan ang hawak na sapatos. Malalaki ang hakbang na naglalakad ang bin

