CHAPTER 10

1498 Words
Aminado akong hindi ako makatulog kahit pa patay na ang ilaw at uminom ng gatas. Kasama ko na rin ang asawa ko na alam kong may itinatago sa akin. Ramdam ko dahil hindi siya mapakali. “Manang, okay lang ba ‘to rito?” Wala akong gana na ilapag ang mga baloons na pinagdikit-dikit. “Oo naman! Ang ganda nga, e!” Napait lang akong ngumiti at saka inayos na ang iba. “May naggugulo ba ng isip mo?” Silip ni manang sa mukha ko. “Manang…” Sasabihin ko ba kay manang? Hindi ako sanay na magsalita sa ibang tao… maliban lang kay Weston. “Inaantok pa kasi ako, manang. Medyo hindi kasi ako nakatulog kagabi.” Nakatingin lamang sa mga mata ko si manang nang umiling siya. “Umiyak ka nanaman kagabi? Araw-araw na mugto ang mata mo, Leveste.” “Manang? Hahandaan ko muna ng almusal si Weston ngayon…” Saka ako tumalikod at naglakad papasok. Hindi ko alam kung sino ba ang iniiwasan ko ngayon. Pero sa narinig ko kagabi kay Anthonet ay parang nasasaktan akong tignan ang kapatid at asawa ko. “Ang aga mo nagising. Hindi ako sanay na gumising na hindi ka katabi,” boses ng asawa ko nang yakapin niya ang likod ko mula sa aking paglalagay ng palaman sa tinapay na kaniyang uumagahin. Masama ang loob ko pero wala… napipipi ako. Natatakot na baka kapag alam niya nang alam ko ay iwan niya na ako. “Hind ka ba papasok sa office mo ngayon?” Tanong niya naman sa akin at umiling ako. “May aayusin kasi ako sa labas para kay… Anthonet,” sagot ko. “You want help? I can call my friend at sa office na hindi muna ako makakatuloy para tulungan kita-” “No! I’m fine! Kaya ko naman saka nariyan naman si manang.” Humarap ako sa kaniya at iniabot ang tinapay. Kinuha naman niya iyon at umupo sa gilid. “Are you okay? Bakit namumugto ang mata mo? Umiyak ka ba?” Napahinto ako sa paggawa ng kape niya nang itanong niya iyon. “N-no… puyat kasi ako, e. Napapaisip ako kung ano ang gagawin kong style sa… sa party ni Anthonet.” Hindi ako magaling magsinungaling pero alam naman ni Weston na hindi ko magagawa ang magsinungaling sa kaniya. Pero ngayon ay ito na ang kauna-unahan kong pagsisinungaling sa taong mahal ko. “Thank you, my wife.” Nang ilapag ko ang kape sa kaniyang harapan. “Ihahanda ko na ba ang damit ko sa kwarto? Para pag-akyat mo ay maliligo ka na lang?” Umiling naman siya sa akin at hinila ang bewang ko kaya ako napaupo sa kaniyang hita. “Gusto ko kasama kitang mag-breakfast. Hindi kita pinakasalan para pagsilbihin ako.” Mapait akong ngumiti kahit na alam ko naman ang totoo. “Magkape ka na nga… mala-late ka n’yan.” Malambing talaga ang boses ko pagdating sa kahit sino. Pero ang boses ng utak ko ay hindi ko na alam kung demonyo na ba pakinggan. Umalis na ang asawa ko nang matapos na siyang kumain at makaligo. Sunod no’n ay bumaba naman ang kapatid ko. Sapo-sapo ang kaniyang ulo at nang makita ako ay parang mas lalong nanghina. Paano ko ba siya kakausapin? “G-gusto mo ba ng tea?” Iyon na lang ang nasabi ko nang itaas niya ang kaniyang kilay sa akin. “Kailangan bang sabihin ko pa ‘yan? Malamang! Asan ba si Archer?!” Kumalma ka, Leveste. Kapatid mo ‘yan… “Wala… pumasok siya. Baka gabihin ng uwi ang kuya mo mamaya.” Ngumisi lang siya sa sinabi ko at agad na siyang tumungo sa kusina. “Ate! ‘Yung tea ko! Ano tutunganga ka na lang d’yan?” Kunot na kunot ang kaniyang noo nang sumunod ako sa kaniya mula sa kusina. Nang magawa ko iyon ay para ba siyang hindi mapakali. “Bibigyan kita ng gamot-” “Ate…” Tawag niya sa akin kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. “Hiwalayan mo na si Archer.” Agad kinabog ang dibdib ko sa narinig. “Hiwalayan mo na siya, Ate,” sunod niya pa. “A-ano ba ang sinasabi mo, Anthonet…” Para hindi maipakita na kabado ako ay ngumiti lamang ako sa kaniya nang ibigay pa ang gamot para sa sakit ng ulo. “Ano ba?! Hiwalayan mo na siya! Niloloko ka lang niya! Hindi mo ba napapansin?”Galit niyang sigaw sa akin. “Magbubulagbulagan ka na lang ba? Gusto niya ako... hindi! Gusto niya pa rin ako,” sambit niya at itinuro niya ang dibdib nito. “Anthonet…” Hindi ako pwedeng umiyak sa harapan niya. Pinapakalma ko siya nang mas lalo siyang sumigaw. “Ginagamit ka lang n’ya para makabalik sa akin!” Tumulo na ang mga luha niya. “Hindi ka niya mamahalin dahil una sa lahat pangit ka!” Diniin niya pa ang salitang iyon. “Pangalawa ka ay kaya ka lang niya pinagtyatyagaan dahil may pera ka! Bukod doon? Wala na… tinitira ka lang niya para iparamdam sa ‘yo na tanga ka-” Isang malakas na sampal ang naibigay ko sa kaniya. Sa lakas no’n ay kitang-kita ko ang bakat ng aking palad sa kaniyang pisngi. Kahit siya ay natahimik at ako naman itong nagulat na rin sa ginawa ko. Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa at humarap sa akin na hawak-hawak ang kaniyang pisngi. Kita ko sa mata niya ang galit sa ginawa ko sa kaniya. “Ganiyan nga! Basta talaga tahimik nasa loob ang kulo, ano? Kung hindi ka makikinig sa akin at kung hindi ka rin naman maniniwala sa akin… sees to believe, ate.” Galit siyang tumayo at matulis akong tignan. “Huwag kang mag-alala, Ate… papamagain pa natin ‘yang mata mo sa kakaiyak sa susunod.” Tumaray siya at umalis. Nanginginig ang kamay ko at panga. Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko nang mapunasan ko iyon. Dali-dali akong kumuha ng tubig at agad iyon na ininom para mapakalma ang sarili ko. Natakbo lahat nang sinabi niya sa utak ko. Ano nga ba ang totoo? Hindi magsisinungaling ang kapatid ko pero hindi ko na alam! Sumapit ang hapon ang alas syete ng gabi at tila nang silipin ko ang pool side namin kung naroon na ang mga kaibigan ni Anthonet ngunit wala akong makita kahit isang tao. Hindi na ba tuloy ang party nila? Mukhang hindi niya na itinuloy dahil sa nangyari kanina. Kailangan ko na ba mag-sorry? Masyadong napalakas ang sampal ko kanina sa kaniya. Alas otso nang wala pa ring tao sa pool. Hinatiran na ako ni manang ng pagkain sa kwarto dahil may ginagawa sa ako sa laptop. Mag-nine na ng gabi nang wala pa rin. Mukhang hindi na nga tuloy. Kaya naman nang paupo na ako sa aking office chair ay narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto at agad na tumambad sa akin si Anthonet na naiyak. Inihagis niya ang baso na may lamang tubig sa akin at tumama iyon sa kalapitan sa akin. “Leveste!” tawag ni manang sa akin nang makasunod siya sa likod ni Anthonet. “Ano ang sinabi mo sa mga kaibigan ko, Ate? Hindi mo sila pinatuloy?” Tumingin ako sa likod niya nang makita ko si manang na natataranta na rin. “A-ano ang sinasabi mo, Anthonet? Wala… hindi ko kilala ang mga pupunta rito,” pagpapaliwanag ko dahil sa pagbibintang niya sa akin. “Talaga? Kilala kita! Napakaduga mo! Nang dahil sa sinabi ko sa ‘yo ang totoong ugali ng asawa mo ay sasabotahin mo ang party ko?! Napakawalang hiya mong kapatid!” Lalapit na siya sa akin nang mahawakan na siya ni manang at inilabas. “Ako na bahala rito kay Anthonet. I-lock mo muna ang pinto mo, ha?” Tumungo ako at pinagmasdan ang kapatid kong naiyak at animo’y nagwawala. Nang makaupo ako ay hindi ko na mapigilang mag-isip. Pinagmasdan ko ang orasan at nine thirty pa lang. Mamaya pa uuwi iyon si Weston tulad ng sabi niya. Kaya naman ay sinilip ko muli ang pool side nang makita ko ang sasakyan ni Weston mula sa parking. Narito na siya? Pinagmasdan ko muli ang telepono ko ngunit hindi naman siya nagsabi na pauwi na siya. Agad akong lumabas ng pinto. Habang naglalakad ako para makababa liliko ka muna at madadaanan mo ang kwarto ni Anthonet at sunod no’n ang hagdanan. Pagliko ko ay agad nanlaki ang mga mata ko nang makita kong magkalapat ang labi ng kapatid ko at ng asawa ko sa tapat ng pinto. Sandali lamang iyon nang itinulak ni Weston si Anthonet at ang inaakala kong ilalayo ni Weston si Anthonet ay nagulat ako nang pumasok na rin sa loob ng kwarto ni Anthonet ang asawa ko. Agad akong nagtago at sumandal sa pader. Nanginig lalo ang labi ko nang tuluyang tumulo ang mga luha ko. Takip-takip ng aking dalawang palad ang pagsusumikap kong hindi marinig nang kahit sino ang iyak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD