“I want my girlfriend’s family and friends to be treated like VIPs. Ayokong maramdaman nila na iba ang status nila sa buhay o tratuhin silang inferior. Bisita namin sila ni Alta kaya dapat maayos ang pagtanggap sa kanila. Gusto ko na mag-enjoy sila Alta bago ang party at ma-relax sila,” bilin ni Kristian sa bagong personal assistant na si Regina habang naglalakad sa corridor ng Winners Spors Apparel at papunta sa opisina niya mula sa katatapos pa lang na meeting. Isa itong fidele o taong nagsisilbi sa mga rojo. Ito ang pumalit kay Atrisha matapos niyang ipadala ang babae sa Amerika para pamahalaan ang mga branch ng mga tindahan nila doon at kumuha pa ng dagdag na investor. “Naka-reserve na po sila sa Moonlight Hotel isang araw bago ang event. Naka-schedule na rin sila para sa full spa

