“Sir Kristian, nakatulog na po ang bisita ninyo. Nakaligo na rin po siya,” anang si Eden, isa sa mga fidele, ang mga matatapat na aliping tao na nagsisilbi sa mga rojo. Ang mga fidele ay siyang nagsisilbi sa kanila at nagbibigay ng dugong kailangan. Naging tradisyon na iyon na tumatakbo sa bawat pamilya at bilang kapalit ay poprotektahan nila ang mga ito mula sa mga rojo at iba pang kaaway. “Maraming salamat, Eden,” sabi niya at saka lumapit sa kama ni Alta. Mahimbing na mahimbing na ang tulog nito. Natakot siya nang matagpuan itong nakadapa sa gubat kanina habang umiiyak. She was traumatized. Ayaw pa rin nitong maniwala na hindi nito napatay si Estancia. Mahirap itong paliwanagan kaya napilitan siyang i-hypnotize ito para mapasunod. “Hindi ka ba nahirapan sa pagpapaligo sa kanya?” “Hin

