Unexpected Arrival

1473 Words
Irish POV Wednesday ng umaga nang makita ko ang babae sa lodge naming sa mismong office ng CEO. Kumunot ang noo ko dahil wala namang sinabi na darating si Sir Jake. Lumapit ako sa babae. Tinanong ko kung ano ang kailangan niya. Ang sabi niya ay ipinadala daw siya ng Montecillo Company para maging replacement ko. Huh? Bakit ang aga naman. Humingi muna ako ng permiso at sumaglit sa aking desk. I called his number. Buti naman ay sumagot ito kaagad. “Yes babe? Good morning!” msaigla nitong bati. “Ano to? Bakit ang aga ng rep;acement ko?” “Ah yun ba, para alam na niya gagawin niya the moment you leave that place. Para di ka magworry na magkakamali siya. Just teach her, madali namang turuan yan eh.” “Matt, bakit ba ang bilis ng pinag gagawa mo” “I just want you here already. Besides, bakit pa patatagalin when eventually, dito din naman ang punta mo. Im just making it faster.” “God, Matt. Sana naman napagsabihan mo muna ako.” Ungot ko sa kanya. “Fine, anjan na. Okay nay an. I even told Jake what will happen.” “What the… kinausap mo si Sir Jake?!” “Oo naman. Para aware siya. I”ll see you this afternoon babe, I love you.” I sighed. “Okay fine. Bye, I love you too.” Saka ko binaba yung tawag. Tinawag ko yung babae sa lodge and inumpisahan ko nang sabihin mga dapat gagawin pagkadating at dapat ay mas maaga kaming dumating kaysa kay Sir Jake. Madami na akong nature sa kanya nang dumating si Sir Jake. Pero iba ito sa nakaraan, kung noon ay nagagawa nitong bumati kahit na sekretarya lang ako. Nagyon, nilampasan niya lang kami saka Humingi ng kape. Sinabi ko dito kung ano ang gusto nitong timpla saka ipinahatid sa loob. Maayos naman niyang nadala ito doon at saka lumabas. “May sinabi ba sayo?” “Ang sabi lang po, tatawag siya kung may kailangan tsaka iemail nalang ang schedule daw niya for the day.” “Cge iemail mo nalang, ito yung email address niya saka ito yung schedule niya.” Tinuro ko ang mga nakasulat sa papel. “Cge po, ako napo bahala.” Sabi niya saka nag tipa na sa keyboard. Napaupo naman ako sa katabing upuan sa desk ko. Mukhang wala sa mood si Sir Jake. Pero ngayon lang siya naging ganun. Parang mas nalilito ako sa kanya. Matapos nitong masend ang schedule ni Sir Jake ay nagsimula naman kaming magtrabaho dun sa ibang files na kailangan niya ng extra copy saka yung ibang pipirmahan. Siya na ang pinapasok ko para magpaprima. Nag makalabas siya, sinabi niyang kailangan daw mag tawag ng meeting, snabihan ko siya to check the conference room kung may gumagamit at kung wala ay ireserve niya for the meeting. Habang nag aayos ako sa mga files ay tinawag ako ni Sir Jake para pumasok sa office niya. Agad naman akong naglakad papasok. Nang makapasok na ako, nasa swivel chair siya nakaupo patalikod sakin. “May pag uutos po kayo?” bigla naman itong humarap sakin. Nakasiklop ang kanyang mga kamay saka huminga ng malalim. “Desidido kna talagang umalis dito no?” tanong niya na may bahid ng pangungutya. “H-hindi po. Hindi ko po alam na may ipapadala ngayong araw si Sir Matt na papait sakin.” Dahilan ko. “He called me. Siya pala ang may gusto na doon ka sa kanya magtrabaho.” He said with eyes na parang may kinukubling iba pang dahilanm to call me. “S-sorry po sir Jake, alam ko pong malaking utang na loob ko sa inyo nang kayo sumalo kaagd sakin pagka graduate ko. Malaking pasasalamat ko po nun sa inyo.” Nakayuko kong sabi. Tumango lang ito sakin. “I like you, Irish. I do. Pero nang simula ka nang angkinin ni Matt, mukhang, wala na akong laban. I know he got the riches, brains and even the body. Akala ko noon, simpleng tanong mo lang kung kilala ko siya. Yun pala, ikaw yung babaeng kinababaliwan niya.” He sighed and just gave me the files na sumalampak sa table niya. “Pakibigay nalang to sa bagong secretary. I need them for the meeting.” Walang emosyong sabi nioya na ikinatango ko nalang. “O-opo.” Kinuha ko iyon saka lumabas ng office niya. Nasa labas na ako nang nakita ko na si Ashley, yung bago niyang sekretarya. Sinabi kong ihanda nalang ang files para sa meeting. Iniaboty ko yung files saka umupo sa desk ko. Siya na din ang sumama sa meeting nina Sir Jake. Naiwan ako sa aking desk kung saan, ako nalang ang kumukuha sa tawag sa office. Napa buntong hininga ako saka nagtipa ng text sa kanya. You: I miss you. Matt: I miss you too. What happened? Okay na ba? You: Yes, mukhang natanggap naman ni Sir Jake. Matt: Good. So you will be mt secretary starting next week? Natawa naman ako sa pagmamadali nito. You: Yeah, unfortunately. Matt: Unfortunately?? Natawa nanaman ako. Di na ako nagreply sa huling message niya. Nakita ko na sina Sir Jake at Ashley na papalapit na sakin. Dumiretso lang si Sir sa office niya at si Ashley at naupo na sa desk at nagsimulang magtipa sa keyboard. “Kumusta ang meeting?” “Okay naman po. Humihingi lang si Sir ng minutes dun sa meeting.” “Ah I see.” “Nga po pala, sabi ni Sir, okay na pong di na kayo pumasok bukas.” Natitig lang ako sa kanya saka ngumiti ng tipid, “Ganun ba? Okay, cge thanks.” Yun lang ang nasabi ko saka tumulong pa ng kaunti hanggang matapos ang hapon. Nagliligpit na ako ng gamit ko ng magring ang phone ko. It was Matt, mabilis akong nagpunta sa may fire exit. “Hello, Matt?” “Hi babe! Nasa baba ako, I’m picking you up.” “Saglit lang, nag aayos lang ako. 5 minutes, anjan na ako.” “Okay, nasa sasakyan lang ako.” “Okay, see you later.” Binaba ko na ang phone ko saka bumalik. Nakita kong naghahanda na din si Ashley para maka uwi, Si Sir Jake ay nasa opisina pa niya. Madalas ganun siya lalo pag may iniisip kaya minsan ako nalang ang nagsasabi na aalis na ako. Pumunta ako sa opisina at kumatok. Sinabi kong mauuna nalang kami umuwi dahil past 5 na. Sumagot naman ito na mauna na kami. Kaya nauna na kaming umalis ni Ashley, sumakay na kami ng elevator saka pagdatin sa ground floor ay nakababa na din. Nakita ko ang sasakyan ni Matt na di kalayuan sa main entrance naka park. Nagpaalam na din ako kay Ashley saka tinungo ang kanyang sasakyan. Sakto naman na bumaba ito sa kanyang sasakyan at sinalubong ako. Niyakap niya ako sabay halik sa noo. Ngumingiti siya ng humiwalay ito ng kaunti. “I missed you, baby. Buti nalang out mo na. I can’t wait to spend time with you.” Ngiti niyang sabi. “Hmm pacheesy ka na naman. Tara na, baka anong gawin ko sayo dito eh.” Natawa nalang siya ng masabi ko yun saka kami pumasok sa kotse. Pinagsiklop niya ang aming mga kamay habang nagmamaneho siya. He keeps on kissing the back of my palm na kumikiliti minsan sakin dahil sa may mga stubbles na siya. “Ano ba, nakikiliti ako.”  I giggled. “Nakakakiliti na ba? Do you like stubbled guys babe?” “Mejo.” Maikling sagot ko. “Let me grow my stubbles then.” He said, laughing. “Loko ka talaga.” Yun nalang ang nasabi ko. Pumunta kami sa isang restaurant saka kumain, then bumalik nanaman kami sa field. Tumambay ng ilang oras saka uuwi n asana. Pero sinabi ni Matt na ipapakilala niya sana ako sa Mommy niya. Nagulat ako at sinabinmg sa ibang araw nalang, but it was too late, nasa gate na kami ng bahay nila. No, mansion pala. Ang laki ng mansion nila. Ilang kilometro pa ang binaybay naming para makarating sa main entrance. Pagka park niya sa harap ng main entrance ay bumaba na siya at dumiretso sa pintuan ko saka ako inalalayan sa pagbaba. Ang kaba ko ay sobra. Kahit na magkahawak kamay kami ay kinakabahan ako. Sinabi naman niyang, wag akong mag alala o matakot. Uinawakan kong mabuti ang kanyang kamay saka ako tumango. Nang pumasok kami, lahat sila ay nasa sala. Bigla naman akong napasinghap at namilog ang mata ng makita ko si Angeline na prenteng nakaupo sa copuch nap ag isahan kaharap ang Mommy at Daddy ni Matt. “What the hell are you doing here?” singhal niya. “Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?” sagot na pabalang ni Matt. Napakapit nalang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD