Prologue

2297 Words
Prologue "Clyde ano sasama ka ba bukas?" Napanguso si Kyla ng umiling si Clyde sakanya bilang sagot nito sa kanyang tanong. Pinipilit niya kasi itong sumama sa isang TV network dahil mayroong malawakang audition na gaganapin bukas ng umaga sa CVJ-JRJ. Ang pinakasikat na tv station sa buong Pilipinas. Matagal na niyang pinipilit si Clyde na mag-artista. Naniniwala kasi siyang may kakayahan itong maging artista. Lalo na't palagi silang sumasali sa mga acting drama sa kanilang paaralan. Idagdag pang napakagwapo nito. Lahat halos ng babae sa kanilang paaralan ay may gusto rito bukod tangi sakanya. Hindi kasi siya apektado ng kagwapuhan ni Clyde. "Bakit? Sumama kana!" Pangungulit pa niya sa binata. Pangatlong audition na kasi ito na tinangihan nitong puntahan. Clyde Rafael Mendez is her best friend. Tatlong taon gulang pa lang sila ay magkalaro na sila nito. Magkatabi lang ang kanilang bahay kaya naman naging magkaibigan ang kanilang mga ina kaya't naging magkaibigan rin sila. Paminsan minsan nga ay nachichismis sila sa kanilang paaralan na may relasyon daw sila. Tinatawanan lang nilang dalawa ni Clyde ang bagay na iyon dahil malabong mangyari iyon Matalik na mag kaibigan lang kasi talaga ang kanilang relasyon at hinding hindi sila magkakagusto sa isat-isa Ngumiti si Clyde at pinisil ang kanyang pisngi. "Ang kulit mo talaga. Ayoko nga sumama. Wala rin akong pamasahe--" "Ako na ngang bahala sa pamasahe mo eh. Nasisigurado kong hindi masasayang ang pagpunta natin doon dahil unang kita palang nila sayo ay paniguradong kukunin ka agad nila bilang artista" "Magmiryenda kana nga muna Kyla." Imbis na pumayag ito ay binigyan lang siya nito ng hopia. Ito pa mismo ang nagpasak sa kanyang bibig ng isang hopiang mongo. Naroon sila sa kwarto nito. Palagi silang naroon sa tuwing pagkatapos ng kanilang klase dahil naroon rin palagi ang mama niya sa bahay nila Clyde at nakikipagchismisan lang sa mama ng binata. Pareho silang walang kapatid. Pareho rin silang walang ama. Nabuntis lang ang mama nito ng isang mexicano na hindi na nito nahanap pa. Ang mama rin niya ay nabuntis ng isang amerikano kaya't parehong disgrasyada ang kanilang mga ina naging instant best friend tuloy ang mga ito dahil pareho ng pinagdaanan sa buhay naging sandalan ang isat-isa. Naging mag-best friend rin tuloy silang dalawa nj Clyde. "Bakit ba ayaw mong mag-artista?" "Hindi ako bagay sa ganoon. Ayoko rin dumami ang fans ko" Nakangising pagmamalaki nito habang kumakain rin ito ng hopiang mungo. Paborito nilang miryenda iyon. "Yayaman ka kapag naging artista ka. Dadami ang pera mo panigurado. Tapos bigyan mo ako ng trabaho para yayaman rin ako at makaalis na sa magulong lugar na ito no!" Dahil sa kanyang sinabi ay napitik tuloy nito ang ilong niya. "Wala ka ng inisip kundi pagyaman. Masaya naman ang buhay natin dito sa lugar natin ha?" "Masaya ba dito? Kaliwa't kanan ang holdapers diyan sa kanto." "Hindi ka naman nahoholdap--" "Malamang. Kilala ako ng mga holdaper rito sa lugar natin alam nilang mas mahirap pa kami ni nanay sa daga no. Anong makukuha nila sa isang tulad ko? Ni wala nga akong panload, pambili pa kaya ng cellphone?" Muli nitong pinitik ang kanyang ilong "Mabuti nga wala ka pang cellphone. Baka makipag-textmate ka lang katulad nung kaibigan mong si Dina. Nagkaroon lang ng cellphone nakipag-textmate na sa taong hindi niya kilala" Napaismid siya at pinagpatulog nalang niya ang pagkain ng hopiang mungo. Mayroon rin silang malamig na tubig na nasa pitsel. Minsan lang sila makapag-soft drinks ni Clyde kapag may okasyon lang. Kulang kasi ang kinikita ng mga nanay nila sa paglalabada. Sumaside-line naman silang dalawa ni Clyde sa kanilang paaralan bilang student assistant na nagbabantay sa library. Isang daang piso ang bayad sakanila kada tatlong oras. Silang dalawa ni Clyde ang nagbabantay sa mga bags at mga gamit ng mga studyante sa tuwing gagamitin ng mga ito ang library. Ang sweldo nila sa kanilang paaralan ang kanilang ginagamit pang-baon at pangbili ng mga kailangan sa skwelahan. Scholar rin silang dalawa at pinapanatili nila ang mataas na marka upang libre silang makapag-aral. Madalas rin silang sumali sa mga activity ng kanilang school dahil may dagdag na grades ang mga studyanteng sumasali sa mga ibat-ibang aktibidades ng paaralan "Kahit naman gusto kong makipag-textmate no wala naman ako choice dahil wala talaga kaming pambili ng cellphone!" "Naingit ka pa kay Dina? Pasalamat ka nga at wala kang cellphone para hindi ka nabobola ng mga lalakeng hindi mo naman kilala" "Kyla anak, tara na sa bahay mag-saing ka na" Sabay silang napalingon ng tawagin na siya ng kanyang ina. Nakasilip ito sa pintuan ng kwarto ni Clyde. Kurtina lamang ang nagsisilbing pinto kaya naman hindi nag-iisip ng masama ang mga ito kahit dalawa lamang sila ni Clyde sa loob ng kwarto nito "Sige po nay." Inubos muna niya ng mabilisan ang natitira niyang hopiang mungo bago siya tumayo at uminom ng tubig "O pano bukas nalang ulit Clyde? Sumama kana para ma-discover kana! Panigurado pagkakaguluhan at pag-aagawan ka pa ng mga director kapag nakilala ka nila at nakita nila kung gaano ka kagwapo--" "Gwapong gwapo ka sakin ha?" Nakangising pang-aasar sakanyang ni Clyde "Malamang! May mata ako eh? Gwapo ka naman talaga Clyde at pang artista yang datingan mo. Ikakayaman nating dalawa yang kagwapuhan mo--" "Baka naman crush mo nako niyan?" Panunukso nito sakanya na ikinasimangot niya. Madalas talaga siyang biruin nito at tuksuhin na nagkakaroon na daw siguro siya ng pagtingin dito "Sorry to dissapoint you bestfriend hindi parin ako apektado ng kagwapuhan mo. Kilala mo naman sino crush ko eh" "Sus si Carlo parin? Di hamak naman mas gwapo ako don. May mata ka nga pero parang bulag ka yata eh?" Natawa nalang tuloy silang dalawa ng kaibigan niya. "Sira. Osige na bukas ha? Sumama kana kasi samin ni Dina. Susubukan lang naman natin eh." "Ayoko nga sabi. Sige na umuwi kana ang kulit mo eh" Tumayo na rin ito upang ihatid pa siya sa bahay nila kahit katabi lang naman ng bahay nito ang kanilang bahay. Ganito ito palagi. Inihahatid pa talaga siya nito. Nakasanayan na nitong magpaka-kuya sakanya. "Kapag nagbago ang isip mo Clyde sabihan mo agad ako ha? Alam mo naman kung saan yung CVJ-JRJ diba?" Tinutukoy niya ang tv network kung saan sila mag-audition ni Dina bukas Nais rin kasing maging artista ni Dina. May potensyal rin naman ang kaibigan niyang si Dina kaya sinasamahan niya ito. Pinisil ni Clyde ang magkabila niyang pisngi. "Kulit mo talaga" Napapa-iling na sambit ni Clyde bago siya niyakap nito saglit. Pumasok na itong muli sa loob ng bahay ng mga ito. O teka mga marites nagtataka kayo kung bakit nagyakapan sila pero balewala lang iyon ha? Ganoon talaga silang dalawa noon pa man. Napapadalas nga lang ngayon dahil nakasanayan na nilang magyakapan sa tuwing nagkikita sila at sa tuwing hinahatid siya nito sa kanilang pintuan. Napabuntong hininga nalang si Kyla. Kailan kaya niya mapipilit si Clyde na mag-artista? Sayang naman kasi ang potensyal nito. "Kinukulit mo nanaman si Clyde mag-audition ano?" Tanong sakanya ng mama niya habang nagluluto na ito ng kanilang uulamin. Naroon na ito sa maliit na kusina nila. As usual, hotdog nanaman ang ulam nila. Pasalamat pa nga siya kung mayroon silang hotdog na uulamin dahil minsan ay toyo at mantika lamang ang kanilang ulam sa kanin. Napakamot siya sa kanyang makapal na kilay. Hindi niya pa inaahit ang kilay niya dahil wala naman siyang kaarte arte sa katawan niya. Anak siya ng amerikano pero kayumangi ang balat niya dahil malakas ang dugo ng kanyang ina. Dissapointed nose rin ang kanyang ilong na namana niya rin sa kanyang ina. Tanging ang kanyang mga mata at labi lamang ang maganda sakanya, well isama niyo na rin ang malambot na buhok niya na likas na kulay brown na namana niya yata sa kanyang amerikanong ama. Kahit ganoon pa man, palagi naman sinasabi ni Clyde na bagay na bagay daw sakanya ang pagiging pango niya. Cute na cute ito sa ilong niya kaya madalas nitong pitikin iyon. Mas bumagay raw sakanya ang maliit at pango niyang ilong dahil nagmukha daw siyang pusa. Weird talaga paminsan minsan ang bestfriend niyang iyon. "Ayaw nga po eh. Nakakainis yung lalakeng yun, kung ako lang maging ganoon kagwapo ay talagang hindi ko sasayangin ang pagkakataon!" Tumawa ang kanyang ina dahil kitang kita nito ang pagkadismaya niya. Madalas niya kasing pilitin si Clyde na mag-audition ngunit palagi itong tumatangi "Artistahin nga yang batang yan. Gusto rin nga ng mama niya mag-artista siya pero ayaw daw talaga eh. Kaya huwag mo ng pilitin yung kaibigan mo. Teka nga pala ano yung nakikita kong pagyayakapan niyo at paghatid niya sayo diyan sa pinto? Napapansin ko napapadalas ang pagyayakapan niyo ha? Kayo na ba?" Kinilabutan siya sa sinabi ng kanyang ina. Nilingon niya tuloy ito habang hinuhugasan niya ang bigas na kanyang isasaing. Ano raw? Siya at si Clyde?! No way! Magugunaw muna ang mundo kung magiging magkarelasyon sila. "Huy! Nay! Friendly hug lang po yun nay! Pati ba naman ikaw nay pag-iisipan mo pa kami ng malisya? Alam niyo naman hong nakaduktong na ang pusod naming dalawa ng lalakeng iyon eh" "Todo deny ka pa diyan. Pulang pula nga yang pisngi mo?" Napahawak tuloy siya sa kanyang pisngi. Naramdaman niyang mainit nga ang pisngi niya. Marahil dahil lamang iyon sa hindi niya pagsang-ayon sa panunukso ng kanyang ina "Susko po nay. Kadiri. Hinding hindi kami magiging mag-jowa ni Clyde no. Hindi ho ako magugustuhan ng lalakeng yun kaya hindi na ako sasali pa sa napakahabang listahan ng mga babaeng may gusto sakanya no!" Nagkibit balikat lang ang nanay niya "Sabi mo eh. Basta kung sakali man maging kayo ng binatang iyon, boto ako don dahil napakabait na bata. Sana magkatuluyan kayo ano? Bagay na bagay kayo anak" "Eww nay!" Naiinis tuloy siya Hindi niya maisip ang posibilidad na magkakatuluyan silang dalawa ni Clyde! Panigurado bugbog sarado ang puso niya kapag ito ang lalakeng magiging nobyo niya. Sa dami ba naman ng kaagaw niya sa lalakeng yun eh! Ayaw niyang saktan ang kanyang sarili kaya ipinangako niya sa sarili na hinding hindi siya magkakagusto kay Clyde. at higit sa lahat ayaw niyang masira ang pagiging matalik nilang magkaibigan. Pero aaminin niyang natutuwa siya dahil wala pa itong nagiging nobya. Minsan ay tinatanong niya ito kung bakit ayaw nitong manligaw, palagi lang nitong sinasagot sakanya na wala pa raw itong natitipuhang babae. Ikinatuwa niya iyon sa di malamang dahilan. Basta masaya siya dahil hangang ngayon kahit parehong graduating na sila sa high-school ay nananatili parin itong NGSB. No girlfriend since birth. Mayroon lang itong GBFSB, Girl best friend since birth at walang iba kundi siya. Ang nag-iisang bestfriend nito. May mga lalakeng kaibigan naman ito sa paaralan nila ngunit siya talaga ang madalas nitong kasama. Binibiro nga sila ng mga kaklase nila na itinatago lang daw siguro nila ang kanilang relasyon. Tinatawanan lang nila ang mga ito. "Tita Kiray tulong po! si nanay po hindi makahinga!" Sabay silang nagulat ng biglang sumigaw si Clyde mula sa loob ng bahay ng mga ito. Binundol ng kaba ang puso niya dahil sa sigaw ni Clyde Nabitawan naman agad ng nanay niya ang sandok na pinang-piprito nito sa hotdog at minadali nitong patayin ang kalan upang tumakbo sa bahay nila Clyde! Sabay silang napatakbo ng nanay niya papunta sa bahay nila Clyde at naabutan nilang walang malay ang nanay ni Clyde habang buhat buhat na ito ng binata habang pababa ito ng hagdanan "Anong nangyari kay Claudia hijo?!" Nag-aalalang tanong ng nanay niya "Bigla nalang hong hinimatay si nanay. Dalhin po natin siya sa hospital" Ngayon lang niya nakitang nag-alala ng ganoon si Clyde. Tumakbo agad siya upang tawagin ang tricycle driver na kapitbahay nila "Manong Victor tulungan niyo ho kaming dalhin si Tita Claudia sa hospital! Hinimatay ho!" Sigaw niya sa tapat ng bahay ng tricycle driver Agad naman lumabas ang matandang lalake at nagmamadali itong tumulong kay Clyde upang makasakay ang mga ito sa tricycle. Sumabit naman siya sa likod ng tricycle dahil hindi niya hahayaan na mag-isang pumunta si Clyde sa hospital. "Kyla huwag kana sumama malaglag ka pa diyan. Ako ng bahala kay nanay" Sita sakanya ni Clyde ng mapansin nitong nakasabit siya sa likuran ng tricycle. Nakita siya nito mula sa maliit na bintana sa likod ng tricycle. Wala kasing maupuan sa likod ng driver dahil butas ang upuan doon. Lumang luma na kasi ang tricycle ni manong Victor "Oo nga hija baka malaglag ka pa diyan. Kami ng bahala!" Napilitan tuloy siyang bumaba mula sa pagkakasabit niya. "Balitaan mo ako ha?" May pag-aalala sa kanyang mga mata habang nakatingin siya sa palayong tricycle Napadasal siya na makaligtas sana ang nanay ni Clyde kung ano mang nangyari rito. Nagkaroon pala ng mini-heart attack ang nanay ni Clyde. Mabuti nalang nadala agad ito sa hospital at naagapan agad. Ngunit naparalisa ang kalahati ng katawan nito. Kinakailangan rin itong maoperahan sa lalong madaling panahon "Sasama ako sainyo sa audition" Seryosong sabi ni Clyde sakanya kinabukasan. Halatang wala pa itong tulog buong magdamag kasi itong nagbantay sa hospital Gwapo parin ito kahit siguro sampung taon itong hindi matulog. Nagulat pa nga si Dina dahil kasama niya si Clyde sa tv network. Hindi kasi nito inaasahan na mapipilit niya si Clyde na mag-artista. "Ipagdarasal ko na matangap ka Clyde bilang artista. Para ito sa mama mo" Hinawakan niya ang kamay ni Clyde habang nakapila sila sa audition sa loob ng tv network. Pinisil naman nito ang kanyang kamay habang seryosong nakatingin sakanya "Para kay nanay. Lahat gagawin ko Kyla.." "Naniniwala akong gagaling si tita Claudia. Mapapa-opera natin siya agad Clyde. Magtiwala lang tayo kay Lord. Hindi niya pababayaan ang nanay mo" Habang naghihintay sila sa pila ay magkahawak pa ang kanilang mga kamay. Hindi tuloy maiwasan ni Dina na mag isip na mayroon silang relasyon ni Clyde. Kahit wala naman talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD