CAPITOLO SEDICI - DREAMS Hara's POV "Seriously?! Itutuloy pa ang pisteng school trip na yan?" bulyaw ko. Hindi pa ba sapat ang mga nangyayari na maging rason para itigil ang school na trip na iyan. "Yes at wala na tayong magagawa. It was already approved by our parents weeks ago. Inaprobahan rin ito nang pulis at sila ang magiging tagabantay sa atin sa loob nang isang linggong school trip natin" panimula pa ni Prime. Ang pinagtataka ko ay iilan lamang kaming naririto sa classroom. Tapos na rin ang klase sa araw na ito, napag usapan na rin ang topikong ito kaya ano pang saysay para ulitin ito. "We know, nasabi mo na yan kanina" wika ko. "I know, kaya ko kayo pinatawag dahil kailangan iilan lang ang makakaalam sa atin" natauhan naman kami sa sinabi niya. May alam na ba sila? "B

