CAPITOLO QUATTRODICI - ACCIDENT AND SUSPICION Arlyn's POV NAPAKASAKIT man na iwan sila pero kailangan ko itong gawin. Abala kami sa paghahakot nang mga gamit. Tumulong na rin akong maghakot. Kaninang umaga hindi ko inaasahan na dadaanan sila para lang magpaalam. Kaya naman mas lalo ako nakakaramdam ng pagsisisi. Ni hindi ko man lang nakita kanina si Cyril. Alam kong nasaktan ko siya. "Anak, tara na?" pagyaya nila mama. Kaya naman nang makasakay na kami sa sasakyan ay napatingin ako sa tanawin. I guess this is good bye. Naging tahimik ang byahe at nang malapit na kaming makalabas nang naturang lugar halos hindi ko mapigilang kabahan at magsisi. "Nakaalis na tayo nang Hartlake, anak" pagpapaalam pa nila mama dahil nanatili lamang akong nakapikit. "Ayos ka lang ba?" pagtatanong

