CAPITOLO DODICI - THE SHOW Xyra's POV NAGING abala na rin kami sa paghahanda sa paggawa nang video presentation namin para sa magiging Film Fest at simula rin kahapon ay hindi na pumasok si Hanneh. Pansin ko rin ang kakaibang pakiramdam simula pa kahapon na para bang may nakamasid sa akin. "Okay, break na muna tayo guys! Sa susunod na scene ay ang paghahabulan nang mga bida at pulis" sigaw pa nila Webbie. Laking pasasalamat na rin namin. "Here" napatingin naman ako sa nag abot nang tubig, ang sweet naman ni Nami. "Salamat" sabay ngiti ko sa kaniya. Akala ko aalis siya pero umupo siya sa tabi ko at uminom rin sa tubig na hawak hawak niya. Pinagmasdan ko lang ang mga kaklase naming abala sa pag set up nang susunod na scene at talagang pumunta pa kami sa maeskinitang lugar para lang

