Two years after Nakaupo ngayon si Killoran habang patuloy na pinagtatarget ang dart board na nasa harapan niya. Habang ang kasama naman niyang si Moses ay naglalaro ng Billiards ng mag-isa. Wala si Gael sa tingin niya ay nangangasu na naman ito at naghahanap ng baboy ramo na kakatayin. Sa loob ng dalawang taon na pamamalagi sa tagong lugar na ito na hindi kabilang sa mapa ng Australia ay wala ibang ginawa si Killoran kundi ang matulog, kumain, maglaro, at matulog ulit. He got a boring life after all. Sa inis ay ibinato niya kay Moses ang dart na hawak niya at muntik na itong tamaan sa mukha. "What the hell is your problem. Nanahimik akong naglalaro dito." Moses said at umiling. Napa-irap si Killoran. "Take me somewhere else four eyes. Balak mo ba akong ikulong dito habang buhay?" An

