Zai POV "Mom hindi ka ba talaga sasama?" Napatingin ako sa anak ko na nakaupo sa sofa na may lungkot sa mga mata nito. Ilang linggo na ang lumipas at gaya ng napag-usapan namin ni gideon naging civil nga kami sa isa't isa, napagkasunduan din namin na doon matutulog sa kaniya si Zerrah every Thursday, Friday at Saturday. At ngayon nga ay Thursday kaya kukunin ito ng ama nito, okay na rin naman sa'kin ang naging sitwasyon namin ngayon dahil nakikita ko naman na nagiging masaya si Zerrah sa piling ng ama nito base na rin sa mga kwento nito. Saka sa bawat araw na nagkikita kami ni Gideon kapag sinusundo nito ang aming anak ay puro tango lang ang binibigay ko rito at kapag naiabot ko na rito si Zerrah ay binibilinan ko lang ito ng bawat gawin saka aalis na ako sa harap nila. Nasasaktan pa r

