Zai POV Umupo ako sa kama kung saan nakahiga ang anak ko akap-akap nito ang unan ko, may bahid ding luha ang mga mata nito. Sabi ng yaya nito kanina pa raw ito umiiyak dahil sa kakahanap sa'kin lalo pa't kahapon ay hindi ako umuwi dahil sa kagagawan ng ama nito sa naisip ko ay bumangon na naman ang galit sa puso ko ang sama niya! Hanggang ngayon ginagawa niya pa ring komplikado ang buhay ko. Gabi na rin akong umuwi dahil binisita ko ang anak ko at ang mga magulang ko, gumagaan kasi ang loob ko kapag nakakapaglabas ako ng sama ng loob at kinukwento iyon sa anak ko. He's my angel at masakit pa rin dahil hindi ko man lang ito nakasama pero nangyari na ang lahat at saka may isa pa akong anak na kailangan pagtuunan ng pansin. Ayokong pati ito ay mawala, hindi ko kakayanin. "I'm sorry.." I s

