2

1115 Words
Muli ay hinawakan ko ang aking ulo nang maramdaman ko na naman ang pagkirot nito. “Baka nga nananaginip lang ako… pero bakit ako nakahubad?” muli ko na namang tanong, “At… bakit parang ang sakit-sakit ng aking p********e?” Napaisip naman ako. “Hindi kaya talagang may nangyari sa amin ni Carl? Pero nasaan naman siya? Baka naman bumili ng pagkain namin? Hay. Baka nga. Mabuti pa hintayin ko na lang siya.” Muli akong nahiga sa malambot na kama at kinuha ko ang aking cellphone. Doon ko lang napansin at nakita na may isang message pala sa akin na galing kay Carl. Binuksan ko naman ito at… From: Carl Hi, Shamy. I had a great night last night, and I’m sorry if I need to leave you. Tumawag kasi sa akin si Ruthy telling that she really needs me. I’m sorry. Kung may kailangan ka, sabihin mo na lang kay Manang Tata, nasa baba siya at naglilinis na. Thanks. And by the way, sana huwag nang malalaman pa ni Ruthy kung ano man ang nangyari sa atin. I don’t want to hurt her. Thanks, Shamy. See you. Bye! Iyan ang nabasa kong text message mula kay Carl. “Hay!” naisambit ko na lang. At least hindi pala panaginip na may nangyari sa amin. Totoo pala talaga. Napangiti na lang din ako. “Siya ang pangalawa na nakagalaw sa akin,” sabi ko habang nakangiti. Yes! You read it right. Hindi na ako virgin, but I don’t care. Pagkakamali naman kasi na ibinigay ko ang virginity ko sa first boyfriend ko. Hay. Kung alam ko lang kasi na magloloko siya at iiwanan ako, ‘di sana ay s-in-ave ko na lang ito kay Carl. “Hay, Carl!” muli ko na namang sambit. Sino nga ba si Carl? Siya lang naman ang first ever love ko. Oo. First love ko. Kaso hindi naman niya ako gusto kasi may girlfriend na siya, at hindi lang isa ah kundi marami. Marami siyang babae. At lahat ng mga iyon ay pinagsasabay-sabay niya. Grabe siya, hindi ba? Well, hindi naman alam nung mga babae na girlfriend niya na marami sila dahil magaling naman siyang magtago at kaya naman niyang gampanan ang pagiging boyfriend niya sa mga ito ng hindi nagkukulang at sumosobra. Paano ko ba nalaman? Gaya nga nang sabi ko, kaibigan naman si Carl at talaga namang sa lahat ng kaibigan naming lalaki ay siya ang bukod tanging babaero. Literal na babaero dahil sa dami na ng naging syota niya! Kulang na nga lang siguro ay ubusin niya ang mga magagandang babae sa aming University eh, kaso hindi naman niya iyon magagawa dahil kilala na nga siya sa pagiging babaero niya. Pero mayroon at marami pa ring nagpapaloko at nagpapauto sa kanya, kaya marami pa rin siyang naloloko na mga babae. Pero kung ako man ang inyong tatanungin, gusto ko pa ring mapabilang sa mga babaeng hinahalikan, niyayakap at sine-s*x niya dahil nga mahal ko siya! Yes! Mahal ko siya at gagawin ko ang lahat mahalin lang din niya ako. Kaso paano? Hay. “Carl…” muli ko na namang sambit. Pero masaya na rin ako, dahil naranasan ko na ang makipaglaro sa kanya. Naranasan ko na kung paano siya magpaligaya ng babae sa kama. Oh hindi ba ay hindi na rin ako talo roon? “Hay nako, Shamy! Tigilan mo na nga ang pagde-daydream diyan at bumangon ka na. Mamaya niyan hinahanap ka na ng Mama mo,” sabi ko dahilan para manlaki ang mga mata ko at maalala na oo nga pala, hinihintay ako ng Mama ko! Bumangon tuloy ako kaagad at nagtungo na sa banyo para maligo. “Sira ulo kasing Carl ito eh. Umagang-umaga nasa isipan ko na kaagad, iyan tuloy! Hay naman, Shamy!” sabi ko na lang habang nagmamadaling naligo. Ako nga pala si Shamy, at ito ang aking kwento. Pagkatapos kong maligo ay inayos ko na muna ang kwarto kung saan kami nag-*x ni Carl. Pagkatapos ay dali-dali na akong bumaba at… “Ay, Ma’am Shamy, gising na po pala kayo,” sabi ni Manang Tata. Kilala na kasi ako ni Manang Tata since dito talaga kami tumatambay na magkakaibigan kapag ginusto ni Carl. “Good morning, Manang Tata. Um, pasensya na po kayo at napahaba po ang tulog ko kagabi. Nalasing po kasi ako,” sabi ko rito habang mabilis na bumababa ng hagdan. “Oo nga po eh. Pero hindi lang naman po kayo, Ma’am Shamy ang natulog dito,” sabi ni Manang Tata. “Ay talaga po? Sino pa po?” tanong ko naman dito. “Sina Sir Jaycee po, Sir Tony, Ma’am Tristy at Ma’am Leah,” saad nito. “Ay dito rin po pala sila natulog?” tanong ko rito. “Opo,” tango naming sagot ni Manang Tata sa akin. “Eh kung gano’n po ay nasan na po sila?” tanong ko naman dito. “Kanina pa po sila nakaalis, Ma’am Shamy, magkakasabay po sila,” sagot niya sa akin, “Hindi po ba nila kayo ginising?” sabay tanong nito. Napasimangot naman ako sa sinabing iyon ni Manang Tata. “Mga pasaway talaga ang mga iyon!” naisambit ko tuloy. Iniwanan ako! Grabe talaga ang mga kaibigan ko na iyon, grabe lang. “Hindi po kasi nila ata mabuksan ang guest room kung saan po kayo natulog kagabi kaya nauna na po sila. Sabihin ko na lang daw po sa inyo na magkita-kita na lang daw po kayo sa University ninyo mamaya,” mahabang saad ni Manang Tata. “Ah ganoon po ba? Sige po, Manang Tata, salamat po,” sabi ko rito. “Opo. Eh, Ma’am, hindi na po ba kayo mag-aalmusal? Nagpaluto po kasi si Sir Carl ng pagkain na kung sakali raw po na magising kayo ay may makakain po kayo,” wika nito. Napangiti naman ako. “Talaga po? Eh kaso po nagmamadali na po kasi ako, Manang Tata, baka po kasi mahuli ako sa klase ko. Uuwi pa po kasi ako eh,” turan ko naman dito. “Ay ganoon po ba? Ay sige po. Sabihin ko na lang po kay Sir Carl mamaya pagdating po niya,” wika nito. “Opo. Kayo na po ang bahala ah? Sige po. Alis na po ako,” paalam kong sabi rito. “Eh, ihatid na lang po kayo ni Tano, Ma’am Shamy,” aniya. “Ah eh, sige po. Mas okay po iyon,” ngiti kong sagot dito. Sayang din naman kasi ang pamasahe kung magco-commute pa nga naman ako. “Sige po at tawagin ko lang.” “Okay po.” Lumabas naman na ako at hinintay si Kuya Tano para ihatid ako sa aming bahay.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD