Chapter 4
Lyhanne’s Pov
WALA AKONG pasok ngayon kaya heto ako maaga akong gumising kanina para lang magluto ng ititinda kong banana cue. 30 piraso kang ang nagawa ko at ibebenta ko ito ng 25 pesos. Sigurado naman akong mauubos ko ang paninda ko dahil merienda ito eh. Isa ito sa mga paborito ng mga pinoy na merienda.
Natapos na akong magluto at tapos na din akong maligo. Inagahan ko talaga para walang manggulo sa akin habang nagluluto ako. Mabuti na nga lang at hindi ako pinapakialaman ng nanay-nayan ko kapag nagluluto ako ng ibebenta ko. Subukan lang niya akong sawayin, tatanggalan ko talaga siya ng mata gamit ang stick.
Agad kong kinuha ang sling bag na palagi kong ginagamit sa t’wing naglalako ako ng banana cue. Nang maayos ko na ay kinuha ko na din ang lalagyan kung saan ko nilagay ang banana cue ko at tuluyan akong lumabas ng bahay.
Hindi na ako nagpaalam sa mga pabigat sa bahay este sa mga kasama ko sa bahay dahil wala naman silang pakialam. Mahirap na baka sabihin pa ng nanay-nanayan ko na ibigay sa kanya ang kita ko. Payag naman ako kung kukunin niya ang kita ko. Pero dapat coins ang ibibigay ko at kailangan isampal ko sa mukha niya. Tignan ko lang kung di siya mangisay.
Naglalakad na ako sa kalsada at tinungo ko ang lugar kung saan malakas ang benta ko. Kilala na kasi ako sa lugar na yun kaya hindi na ako mahihirapan pang magbenta.
May nakakasalubong ako at tinatanong nila ako kung ano daw ang binebenta ko. Sinasabi ko naman kung anong dala ko kaya bumibili sila sa akin. Kilala ako dito dahil sa palagi akong naglalako. Marami akong mga tropa dito dahil palakaibigan talaga ako bata man o matanda.
Narating ko na ang lugar kung saan ako madalas nagbebenta ng banana cue. Marami kasing dumadaan dito na mga tao kaya ubos talaga ang binebenta ko. Kung pwede nga lang magbenta ng kakanin ay baka ginawa ko na.
“Hi, ate..” masigla kong bati sa kakilala kong tindera na nakapwesto din dito.
“O, buti nandito ka, Lyh. Akala ko hindi ka na magbebenta eh,” saad ni ate. Napangiti naman ako sa kanya.
“Na busy po kasi ako, ate. Kaya hindi po ako nakapagbenta agad.” Sagot ko sa kanya.
Binigyan pa ako ni ate ng upuan para daw ipatong ko ang binebenta ko. Pero balak kong ilako nalang kaysa sa maghintay na may lumapit dito.
“Ilako ko muna ‘to, ate.” Sabi ko sa kanya kaya tumango siya.
Agad akong naglakad habang nakangiti. Masaya ako ngayong araw na ‘to dahil nakabalik ako sa pagtitinda. Binabalak ko na tuloy magbenta ng kamote cue bukas para naman may kita ako ulit.
May bumibili naman sa akin. Mga tricycle driver pa nga kaya nangangalahati na din ang banana cue ko. Ito lang talaga ang kasiyahan ko. Kung sa iba mababaw lang ito para sa akin ay hindi. Dahil sa pagbebenta ko ay nadadagdagan ang ipon ko at may chance na matupad ang pinapangarap ko na makapunta ng Maynila para doon mag trabaho.
Ngunit ang saya ko kanina ay napalitan ng lungkot at pagtataka dahil wala ng bumibili sa banana cue ko. Nakakapagtaka lang dahil kanina lang ay bumibili sila sa akin. May 15 piraso pang natira eh. Mukhang hindi pa yata mauubos ngayong araw.
Lumapit ako sa babae na nagbabantay yata ng tindahan na mga laruan. “Ate, bili ka na po banana cue. 25 pesos lang. Masarap at maganda din ang nagbebenta.” Sabi ko sa kanya.
“Naku, pass muna, neng.” Pagtanggi niya at iniling pa ang ulo. Langya! Para na rin niyang tinanggihan ang kagandahan ko dahil sa sagot niya.
Hindi ko nalang pinilit ang babae at naglakad na lang ako ulit. “Banana cue! Bili na kayo!!” Sigaw ko habang naglalako pa rin. Umabot nalang ng 30 minutes ay wala pa rin. Namamaos na ako kakasigaw. Langya!
Nakita ko ang mga tricycle driver at inalok ng paninda ko pero ang sagot nila ay masarap sana pero bawal daw. Yun palagi ang sagot nila sa akin kaya nagtataka ako.
Lumapit ako sa isang babae na may binebentang tulingan na. “Ate, bili ka banana cue?” Tanong ko sa kanya.
“Naku, hindi na muna, hija. Doon ka nalang sa ibang lugar magbenta niyan dahil sigurado akong hindi mo yan mabebenta rito.” Sabi ni ate sa makahulugang boses.
“Po? Bakit naman po?” Nagtataka kong tanong. Aba, kanina pa ako dito naglalako eh. Pawis na pawis na nga ako pati ang singit ko ay basang basa na. Kakapagod kaya maglakad.
“May lalaking lumapit kanina dito. Pogi pa naman. Sabi niya wag daw kaming bumili sayo ng banana cue sabay inabutan kami ng tig i-isang libo. Kaya walang bumibili sayo.” Sabi ng babaeng matanda kaya nanlaki ang mata ko.
“Ha? Sinong lalaki po? Wala naman akong kilala na sasabotahe sa pagtitinda ko.” Nagtataka kong tanong.
“Ayon ohh.. si kuyang pogi..” sabi ng babae at ngumuso siya na para bang tinuturo niya kung nasa’n ang sinasabi niyang lalaki.
Napasunod naman ang tingin ko at nakita ang gurang na kapre. Napaka effort talaga niyang bwisitin ang araw ko. Lintik ‘to! Gusto na naman yatang mabasag ang itlog niyang parang santol.
Agad akong naglakad at tumingin sa magkabilang kalsada upang lapitan ang animal na lalaking walang ginawa kundi ang pagtripan ako. Nang makatawid ako ay agad ko siyang nilapitan.
“Hoy! Ano bang problema mo ha?!” Sigaw ko sa kanya.
“What do you mean? Kumakain lang naman ako ng mani dito eh,” sabi pa niya na halatang nagkukunwari.
“Ako talaga wag mong pinagloloko ha! Binayaran mo daw ng tig 1k ang mga driver at mga taong nagbebenta dito para hindi sila bumili sa akin ng merienda. Anong problema mo ha?! Gusto mong saksakin kita ng banana cue stick?!” Pagbabanta ko sa kanya.
“Pulis! May pandak dito na nagbabanta sa akin!” Sigaw pa niya na halatang inaasar ako.
“Kapre! Tangina ka! Dapat do’n ka sa puno ng balete tumambay at hindi dito sa kalsada at baka maraming matakot sayo!” Sigaw ko sa kanya saka ako nag walk out. Naiinis talaga ako sa baliw na lalaking yun. Wala ba siyang magawa sa buhay niya at maraming siyang time na asarin ako. Ang nakakapagtaka pa dahil alam niya kung saan ako pupunta. Grabe na talaga ang lalaking ‘to.
Tinungo ko nalang ang isang eskinita na hindi ko pa napupuntahan. Susubukan kong magbenta at baka sakaling may bumili sa akin.
Nagmamadali akong maglakad at baka maunahan na naman ako ng baliw na lalaking yun. Nang makasok ako sa eskinita ay naglako agad ako at sinisigaw ang binebenta ko.
“Banana cue!! Banana cue kayo dyan!” Sigaw ko.
Hindi ko inaasahan na mararating ko ang isang bahay na maraming nakatambay na kalalakihan. Wala naman silang ginagawa sa akin at nakatingin lang sila. Hindi na lang ako nag offer dahil bigla akong natakot. Ang dami pa naman nila.
Naisipan ko nalang na lumabas ng eskinita at baka mapahamak pa ako dahil lang sa banana cue. Kasalanan talaga ‘to ng kapre kapag may nangyaring masama sa akin. Dapat kasi kanina pa ‘to naubos eh kung hindi lang siya nangialam.
“Hindi mo ba kami pagbebentahan ng banana cue mo, Miss.” Sabi ng isang lalaki. Napahinto ako sa paglalakad at kinakabahan akong tumingin sa gawi nila.
“Wala na po kasing laman, boss. Dalawa nalang ang banana cue ko. Hindi po kasya sa inyo.” Sabi ko sa kanila at ngumiti ako. Hindi ko na hinintay ang sagot nila at nagmadali na lamang akong maglakad. Ngunit nagulat na lang ako ng may sumalubong sa akin na dalawa pang lalaki. Tropa pa yata nila.
“Tapos ka naman na yata maglako, neng. Magpahinga ka na muna sa tambayan namin.” Sabi ng lalaking kalbo.
“Naku, wag na po, kuya. Hindi ako mahilig magpahinga eh. Nakakalbo daw po kasi ang panay higa.” Sabi ko. Tangina, kung ano-ano na ang pinagsasabi ko para makahanap ako ng palusot at padaanin nila ako.
Napatili na lang ako ng hawakan ako ng lalaki mula sa likuran ko. “Ano ba! Bitawan niyo nga ako!!” Pagpupumiglas ko ngunit hindi ko talaga binitawan ang lalagyan ng banana cue ko. Baka masayang lang ang pinaghirapan ko.
“Ang arte mo ahh..” sabi pa ng isang lalaki.
“Maarte talaga ang pandak na yan.” Bigla kong narinig ang word na pandak kaya nanlaki ang mata ko. Nakita ko nalang na bumulagta ang lalaking kalbo sa lupa sa lakas ng suntok ni kapre. Mukhang sinundan niya ako kaya nandito siya sa harapan ko.
Napatili ako ng makipagbakbakan si kapre sa mga lalaking tambay. Gumilid ako at baka masali pa ako. Hindi ko alam kung saan ako mag che-cheer. Kung sa mga tambay ba o kay kapre. Gusto ko sanang masuntok ang mukha ni kapre dahil kasalanan niya kung bakit ako napunta sa sitwasyong ito.
May nakita akong kahoy sa gilid kaya ibinaba ko na muna ang dala-dala ko upang sumali sa riot. Nang makalapit ako sa kanila ay ang hinampas ko ay si kapre. Tumama talaga ang kahoy sa likod niya kaya napatigil siya sa pag atake sa mga kalaban. “What the fvck! Bakit mo ako hinampas?!” Galit niyang sabi sa akin.
“Ayy.. sorry. Akala ko kalaban eh. Mukha ka kasing suspect.” Sarkastiko kong sabi at tinulungan siya. Piste talaga! Nagbebenta lang naman sana ako ng banana cue pero bakit ako napunta sa sitwasyon na ‘to.
Napabagsak ni kapre ang mga tambay kaya agad ko ng binitawan ang hawak kong kahoy at mabilis na binalikan ang lalagyan na hawak ko para makaalis na ako. Bahala si kapre sa buhay niya. Matanda naman na siya.
Nang makuha ko ‘to ay agad akong tumakbo. “Hoy, minion! Hintayin mo ako!” Tawag pa sa akin ng kapreng lalaki. Animal talaga! Kung ano-ano na lang ang tinatawag niya sa akin. Gusto na yata niyang masaktan. Pero hindi ko na muna siya aawayin dahil aminin ko man o sa hindi ay iniligtas niya ako ngayong araw. Kung hindi siya dumating ay baka inihaw na ako ng mga tambay at ginawang pulutan nila.