Chapter 8

1932 Words
"Okay na ba Tito Ye-jun? Ano na ang pag-uusapan natin?!" Sambit ni Do Eun habang galak itong nakatingin sa kaniyang titong si Hak Ye-jun. "Wala naman. It's just that, you have to be careful in the future. Mauna na ko." Sambit ni Gene Doctor Hak Ye-jun habang makikitang tila nagmamadali ito. Bahagya din gumuhit ang mukha nito nang tingnan nito ang Gene Watch nito na kakaiba ang desenyo kumpara sa kaniya. Kung hindi siya nagkamamali ay isang bagong modelo iyon ng Gene Watch na inilabas nitong nakaraang linggo lamang. Nang akmang papalabas na sa pinto si Gene Doctor Hak Ye-jun ay mabilis namang nagsalita sa likuran nito si Do Eun. "Care to explain Tito? Bakit para atang nagmamadali ka?!" Sambit ni Do Eun habang tila di niya alam kung anong nangyayari sa tito niyang si Hak Ye-jun. "Nagkaroon lang ng problema sa Gene Lab na pinagtatrabahuan ko. Mag-usap nalang tayo next time. Puntahan mo nalang ako dito if you have time." Sambit ni Gene Doctor Hak Ye-jun habang mabilis nitong kinuha ang maliit na papel na isa palang Personal Gene Card. Bigla na lamang naglaho si Gene Doctor Hak Ye-jun matapos nitong mawala na parang bula. Labis namang nabigla si Do Eun sa kaniyang sariling nakita. Masasabi niyang normal naman ito sa mundong ito lalo na at ang pagfuse ng siyensya at abilidad na meron ang isang Gene Cultivators ay nagsama. Galing pa rin siyang planetang Earth noh at first time makakita ng abilidad na ito. Hindi naman teleportation iyon kundi super speed. Siguro nga ay urgent nga ang problemang tinutukoy nito patungkol sa propesyon nito. Tahimik namang ni-lock ni Do Eun ang nakabukas na pintuan ng gate. Mayroon ding nag-eexist na magnanakaw sa mundong ito no. Talagang 10× ang liksi at galing ng mga ito kaya dapat ay preparado siya. Isa pa ay hindi ligtas ang mundong ito para sa katulad niyang nag-iisa na lamang. Natatawa nga siya sa 20 Geno points na kasalukuyan niyang na-obtain. Saan kaya aabot ang 20 Geno points niya? Agad namang napaisip si Do Eun sa sinabi ng kaniyang titong si Gene Doctor Hak Ye-jun lalo na sa paalala nitong mag-ingat siya. Kinakabahan nga siya lalo pa't wala rin siyang ideya kung sino ang nagpapatay sa namatay na original owner ng katawang pagmamay-ari niya na ngayon. Dahil siguro sa pagkamatay nito ay nabura lahat ng alaala nito noong araw ng pagkamatay ni Do Eun ng mundong ito. Kaya rin naging posible iyon upang sabay na magfuse ang katawan nito sa consciousness niya. Yun nga lang ay masuwerte siya dahil nabuhay pa siya pero ang original owner ng katawang ito ay napaslang talaga ng tuluyan. Talaga ngang kailangan niyang mag-ingat dahil baka nga nasa paligid lamang ang tunay niyang kaaway o di kaya ay maimpluwensiya ito at makapangyarihan. Agad na pumasok si Do Eun sa loob ng mansyon niya. Dumiretso siya sa study room ng ama nito na naging tambayan niya. He just want to find ways to increase his Geno points without risking his life or waste his time waiting for nothing. Biglang pumasok muli ang patungkol sa Graduation niya at pasukan na ulit bukas. Kapareho lang din sa earth ang araw dito. There are Seven days in a week pero there are 33 days for the whole month. ... Kasalukuyang narito si Do Eun sa loob ng isang Virtual Gene Mall. Isa itong virtual reality na mall na kung saan ay makikita niya na lamang ang kaniyang sariling naglalakad sa napakaraming stalls. Namamangha pa rin si Do Eun dahil napaka-advance ng technolohiya rito. Nasa kanya pa rin ang memorya ng dating original owner ng katawang meron siya kaya hindi siya nagmumukhang ignorante sa mga karaniwang bagay sa mundong ito. Nakakamangha din lalo na't nahahawakan niya ang mga bagay na bibilhin niya at maaari niya itong dalhin sa totoong mundo. Walang nakawan ang mangyayari dito at digital payment din ang nangyayari dito. Natuwa naman si Do Eun lalo na't marami siyang nabili katulad na lamang ng bagong model ng Gene Watch at Gene device earpiece na siguradong kaiinggitan ng lahat. Napakamahal man ng mga devices na ito ay nakaya niya itong bilhin hindi kagaya ng iba na hanggang tingin na lamang at talagang feeling mayaman din ang iba pero nagmamayabang lang sa mga kaibigan nilang kasama magvirtual shopping. Hindi niya aakalaing pati pala sa mundong ito ay nag-eexist din ang mga social climbers. Marami pang pinamili si Do Eun lalo na ang isang bagong model ng Gene Eye Lens siyempre ay bumili din siya ng napakaraming bagong damit, mga shorts at iba pang personal na gamit na maaari niyang gamitin. Bili dito at bili doon ang ginawa niya na kaibahan sa nakagisnan niyang buhay na siya ang palaging pinagbibilhan. Nang magsawa siya sa pagbibili ng mga ito ay naalala niya palang mayroon pa siyang hindi nabibili at ito ang pinakaimportante niyang bibilhin sa Virtual Gene Mall na ito. Tahimik niyang tinawid ang mahabang hallway sa Virtual Gene Mall na ito patungo sa isang branch kung saan may nagbebenta ng mga Gene Capsules. Plano niyang bumili ng kinakailangan niyang mga Normal Gene Capsule Hindi naman kasi maaaring gumamit siya ng Special Gene Capsules at mga Rare Gene Capsules dahil baka sumabog lang ang mahinang pangangatawan niya sa kasalukuyan. May pera naman siya upang bumili at makabili pero di niya naman ito magagamit. Isang kasayangan iyon. Money wise din siya noh. Agad namang natanaw ni Do Eun sa loob ng isang sikat na branch ito ng nagbebenta ng Gene Capsules na tinatawag na Red Beryl Gene Capsule Store. Sa labas palang ay makikita na ang mabangong amoy ng binebentang Gene Capsules rito. Karaniwan ay amoy ito ng mga Normal Gene Capsules na binebenta. Ngunit akmang papasok na si Do Eun ay agad na lumitaw at hinarangan siya ng isang malaking bulto ng lalaki na sa tingin niya ay isang Gene Cultivators din. "Ano'ng ginagawa mo dito totoy, bawal ang batang paslit dito at lalo na ang mga hampas-lupang katulad mo!"" Walang prenong sambit ng malaking lalaking humarang sa papasok na sanang binatang lalaking si Do Eun. Nawala naman ang kasiyahan sa mata ni Do Eun lalo na at hindi niya aakalaing pati pala rito ay may diskriminasyon. "Huh? Hindi ko naman alam kuya Gene Guard na may ganitong patakaran dito. Nasan na yung notice dito na bawal akong pumasok dito. I'm 16 years old already." Inosenteng sambit ni Do Eun. Mala-Steven Halvey sana ang mukha at mala THE STONE naman ang pangangatawan nito yung sikat na action pero napakatapang nito sa kaniya na isang customer nila. Oo na, para diretsahan na ay UNWANTED CUSTOMERS. "O ganon ba? Gusto mong kaladkarin kita dito palabas ng Mall na ito? Pag sinabi kong bawal kang pumasok ay bawal kang pumasok." Malakas na sambit ng malaking lalaking mukhang isang Gene Guard ng Virtual Gene Mall na ito na halatang mataas na ang tono nito na siyang naka-attract ng atensyon sa ibang mga taong nagvi-virtual shopping. "Pero bibili ako dito kuya Gene Guard ng Normal Gene Capsules. Customer din ako dito kaya di ako aalis." Matigas na sambit ni Do Eun. Hindi niya aakalaing parang nagmumukha pa siyang nagmamakaawa sa lagay niya para lang makabili ng Normal Gene Capsules dito. Isa kasi ito sa may pinakamagandang review na nakita niya sa isang Shopping site ng GeneTernet nila dito. Ayaw niya namang kung saan-saan lang siya bibili dahil marami naman siyang Gene Money na pambili kahit ilan pa ang gusto niyang bilhin. Walang rason para problemahin niya ang pambayad. Tila parang mas dumilim pa ang mukha ng malaking lalaking Gene Guard ng Virtual Gene Mall na ito. Mukhang hindi ito natutuwa sa sinasabing ito ni Do Eun na nakatingin pa rin sa Area nito. "Normal Gene Capsules? Pesteng bata ka. Ano'ng akala mo sa Gene Store namin? Nagbebenta ng mga cheap na Gene Capsules. Ang mga paninda namin dito ay halos doble at triple ang kalidad ng ibinebenta namin dito dahil sa kalidad ng Gene Capsules. I suggest na wag ka na dito dahil sayang lang ang oras namin sa'yo!" Pagmamayabang ng malaking lalaking Gene Guard habang sinisigawan na nito ang binatang lalaking si Do Eun. Buti na lamang at walang laway na tumatalsik dito o anumang boduly fluid ang nadadala dito sa Virtual Gene Mall kundi ay puno na ng talsik ng laway ang buong mukha at katawan ni Do Eun. Hindi naman nakalampas ang ganitong eksena sa mga mata at mga tenga ng mga shoppers na malapit lang sa lugar na kinatitirikan ng virtual branch ng Red Beryl Gene Capsule Store. "Haha... Bakit ba kasi nagpupumilit ang binatang yan na pumasok e Normal Gene Capsules lang naman ang bibilhin niyan." "Oo nga eh. Alam naman niyang hindi basta-basta ang Red Beryl Gene Capsule Store na yan!" "Pwede naman siyang sa ibang branch nalang total ay Normal Gene Capsules lang naman ang bibilhin niya." "Malaking problema talaga ito lalo na at ngayon lang nagkaroon ng matigas na ulong nilalang ang gustong bumili sa store na yan." "Matatalo lang ang binatanng yan dahil hindi siya papayagan ng mismong Gene Guard na makapasok diyan!" "Di nga ako bibili diyan, ang mahal ng binebenta. Parang pangalan lang ata yung mas binabayaran ko kumpara sa produktong binebenta nila!" "Isa na namang nilalang ang pinapahiya ang sarili!" Ito lamang ang ilan sa malinaw na naririnig ni Do Eun mula sa iba't-ibang direksyon parte kung saan naroroon ang mga taong nagvi-virtual shopping. Ngunit napangiti na lamang si Do Eun at mabilis na pinindot ang isa sa special functions ng mga virtual Shoppers at ito ay ang force gene customer function kung saan ay magagawa niyang makalusot sa sinumang nilalang o Gene Guard upang sapilitang makapasok sa mismong store. Napasinghap naman ang mga nanonood na mga shoppers sa ginawa ni Do Eun lalo na at parang naging transparent ang bulto ni Do Eun at nakalusot ito sa Gene Guard maging sa ibang staffs ng mismomg Red Beryl Gene Capsule Store. Bigla na lamang lumitaw ang isang babaeng isang Gene Manager ng Red Beryl Gene Capsule Store na ito. Agad niyang tiningnan ang anyo ng isang binatang nasa 16 years old lamang ang edad nito ayon sa shopping information sa ibabaw ng ulo nito. Naka-tsinelas lamang ito at parang pinaglumaan na ang suot nitong damit na sa unang tingin palang sa nakakakita nito ay talaga namang napakadukha na binata ito baka nga hindi pa nito afford ang kahit isa sa pinakamurang produktong binebenta nila dito. "Hoy binata, pwede bang umalis ka na dito sa Gene Store namin. Asa ka namang i-eentertain ka namin." Sambit ng Gene Manager sa binatang abala sa pagtingin-tingin ng mga binebenta nilang Normal Gene Capsules. Tiningnan lang siya ng binatang lalaking si Do Eun at mabilis na pumunta sa mga Gene Capsules na mga Special Gene Capsules. Tila namula naman sa inis ang magandang babaeng Gene Manager dahil sa naging aksyon ng binatang lalaking si Do Eun. Ngunit hindi na siya makapagtimpi nang makita nitong pumunta na ang binatang lalaking si Do Eun sa area ng Gene Store nila sa mga Rare Gene Capsules na halos 5 digits up to 6 digits na ang presyo ng bawat isa rito. "Gene Manager, mukhang plano ng hampas-lupang binatang lalaking yan na magnakaw ng mga Gene Capsules dito at mukhang ang Rare Gene Capsules ang plano pa nitong nakawin. Ano'ng gagawin natin?!" Sambit ng malaking lalaki na siyang nakatokang Gene Guard sa oras na ito. "Oo nga Gene Manager, hindi ko maaatim na makakaltasan pa ang sahod natin o mawalan ng trabaho dahil sa hampas-lupang binatang lalaking yan!" Sambit ng isang babaeng Gene staff na hindi na rin mapakali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD