Pagkaalis ng binatang lalaking si Do Eun ay mabilis siyang pumunta sa isang pampublikong Geno Beast Hunting Ground na isang maliit na pook lamang na tinatawag na Yellow Garden.
Hindi alam ng binatang lalaking si Do Eun na pang-horror pala itong hardin na ito sa totoo lang. Katakot talaga ang mga hardin sa mundong ito lalo na tinatawag ba naman hardin pero isang Hunting Ground pala ito ng mga Geno Beasts.
Pagkarating niya sa lugar ng Yellow Garden ay talagang namangha siya. Talagang Halos kulay yellow (dilaw) nga ang lugar na ito kung saan ay makikitang ang imbes na luntiang kapaligiran ay nabalot ng tila kulay dilaw na kapaligiran.
Isa ito sa gustong puntahan ng binatang lalaking si Do Eun lalo na at ito ang isa sa hunting ground niya na masasabing nasa top list niya na lugar na pupuntahan.
According sa research ng ama niya na nasa loob ng Gene Lab nito ay masasabing ang Yellow Garden ay pinaniniwalaan ng mga taong naninirahan dito noon na isinumpa. He don't know if it is true dahil masasabi niyang ang lugar na ito dito ay talaga namang kakaiba. Paramg isang alamat ito ng lugar na ito.
Noong una kasi ay luntian ang lugar na ito na karamihan ay puro maliliit na insekto ito. Napakaliit lang daw na garden ito na ang may ari ay isang magandang dalaga. Paborito nito ang mga kulay dilaw na mga insekto. It is really surprising lalo na at konti lamang ang mga kulay dilaw na mga insekto. Sa sipag at tiyaga magandang dalaga ay marami siyang naipong mga maliliit na mga insekto. Huli na nito namamalayan na halos Magsiksikan na ang mga alagang insekto nito. Ngunit ilang araw matapos mangyari ang lahat ay nagkaroon ng pagbabago sa mundong ito at nagkaroon ng mga pagbabago sa mga dilaw na insekto maging sa buong lugar na ito. Labis na lumawak ng lumawak ang sakop ng buong lugar na ito na nangyari lamang ng unti-unti sa paglipas ng mga araw, buwan at taon.
Pinaniniwalaan din ng mga matatanda sa lugar na ito na biktima ng Yellow Garden ang magandang dalagang mahilig sa kulay dilaw na mga insekto. Sa kwento-kwento ay kinain daw ng mga mga mababangis na insekto ang lugar na ito. Her flesh is eaten by Ferrocious insects while her blood turns to yellow and make things he really in yellow. Their are some lucky insects that believe to be possessed a human nature just like eyes, nose, ears etc. that will make you insane.
Nakakatakot man isipin ang mga bagay na ito ngunit isa lamang itong kwentong bayan pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi na mag-iingat ang binatang lalaking si Do Eun dahil ang lugar ba ito ay maraming mga mababagsik na mga halimaw na insekto na mga Geno Beasts. Karamihan pa sa mga ito ay nakakubli sa dilaw na kapaligiran dito. If one is not careful enough ay baka manganib ang buhay ng mga ito sa lugar na ito.
Alam ng lahat ng mga Gene Cultivators na pumupunta rito na ang lugar na ito ay naglalaman ng panganib dahil na rin sa dami ng insekto rito. If you are stumble upon a non-group insect, you'll be safe but if you stumble upon a group of insects, you are surely need to run away from them. Alam naman ng lahat ng ito.
Plano ng binatang lalaking si Do Eun na puntahan ang lugar na ito upang mang-hunt ng mga Geno Beasts na bibigyan siya ng malaking Geno Points. Kung hindi nga siya nagkakamali ay halos karamihan sa mga Geno Beast dito ay nagbibigay ng isa hanggang dalawang Geno Points na gusto ng karamihan. Karamihan nga sa nagpupunta sa lugar na ito ay grupo-grupo lalo na at gusto ng mga ito ng team fight at paunahan o paramihan lamang ng pagpatay ng mga halimaw na insekto lalo na yung grupo-grupong mga insekto.
Mapakla na lamang na napangiti ang binatang lalaking si Do Eun. How come na magkakaroon siya ng mga kaibigan dito dahil alam niyang walang naging kaibigan ito simula noong bata pa ito. His parents are both protective lalo na at hindi pwede ang malilikot na bisita sa kanilang bahay dahil ang Gene Lab ay hindi maaaring mapuntahan ng sinuman. Nagre-research at nag-eexperimento ang mga magulang niya ng mga bagay-bagay na hindi pa tukoy kung ano. Para bang nangre-recover sila ng mga unlnown things na mahirap resolbahin ng sinuman. If someone will be endangered sa loob ng bahay nila ay siguradong malaking g**o iyon lalo na kung mayroong nagleak ng impormasyon patungkol sa Gene Lab nila at sa bagay na ini-experimentuhan nila.
Narating na ng binatang lalaking si Do Eun ang entrance ng nasabing Yellow Garden. Isang pampublikong Geno Beast Hunting Ground ito kaya naman pwedeng-pwede pumasok ang sinuman dito though there are dangers here pero hindi naman iyon problema dahil walang responsibilidad ang lugar na ito kung anuman ang mangyari sa iyo sa loob ng Hunting Ground na ito ng mga Geno Beasts. 1-2 Geno Points lang naman ang pinakamalakas dito na Geno Beasts at karamihan ay namamasyal lamang dito at nasa parteng labas lamang ang gustong mamasyal. Karamihan sa mga nagha-hunting talaga ay pumapasok sa looban ng Yellow Garden na ito.
Namangha ang binatang lalaking si Do Eun nang tuluyan na siyang makapasok sa lugar na ito. One thing he is really sure of it, "BEAUTIFUL". Sobrang namamangha ang binatang lalaking si Do Eun sa nakikita niyang kapaligiran. Talagang parang nasa loob siya ng mga palabas sa Earth, yung bang tinatawag na mga sikat na tourist spot. Yun nga parang ganon yung vibes.
Maraming mga Gene Cultivators ang namamasyal rito. Kung meron mang normal na tao dito ay malamang ay magiging awkward ang lugar na ito. Insects can feel mortal blood at siguradong kakainin nito ang mga normal na mga nilalang lalo na ang taong walang Geno points. Basdta Hunting Ground ng Geno Beasts ang pinag-uusapan ay dapat na maging praktikal tayo. Sinong tangang normal an nilalang ang pupunta rito? Malamang kahit may isa or limang Geno points ka lamang sa katawan mo ay hindi ka aatakehin ng sinumanng Geno Beast dito. He don't know why lalo na at alam niya ay agresibo ang mga nilalang na mga Geno Beasts pero mas agresibo ang mga ito sa mga normal na nilalang.
Hinawakan ng binatang lalaking si Do Eun ang isang dilaw na dahon upang masigurado kung tunay ba ito.
"Masubukan nga ito kung tunay ba talaga ito." Sambit ng binatang lalaking si Do Eun habang mabilis nitong pinitas ang isang dahon.
Nakita nito na tila ba nagkaroon pa ng dagta ang nasabing dahon sa bandang pinitasan nito kaya masasabi niyang tunay nga ito. namamangha naman ang binatang lalaking si Do Eun lalo na at hindi niya aakalaing tunay nga ito.
Ngunit agad namang nalaman ng binatang lalaking si Do Eun na may iba pa siyang pupuntahan at iyon ay pasukin ang looban ng Yellow Garden na ito. Alam niya kasi na isa ito sa gusto niyang puntahan. Nagbabaka-sakali siyang sa pagpunta niya rito ay mapapataas pa lalo ang kasalukuyang 55 Geno Points na meron siya. Kulang pa siya ng 45 points upang makapagbreakthrough at makatungtong sa Level 1.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binatang lalaking si Do Eun at mabilis siyang naglakad papasok ng Yellow Garden. Maraming pasikot-sikot na daan rito. Namili lamang siya ng gusto niyang puntahan lalo na at hindi niya naman masusuyod ang buong lugar na ito ng isang araw lamang.
Pinili ng binatang lalaking si Do Eun ang pasukin ang isang maliit na daanan. Feel niya lang na ito ang gusto niyang tahaking daan. He really don't know much about this place, ang alam niya lang ay kailangan niyang makadami ng geno points dito. Malapit na ang graduation nila at sa susunod na mga buwan ay graduation na nila. Buti nalang talaga at Hunting Month nila ng mga graduating students kung hindi ay baka abala siya sa mga school activities nila. Alam niyang ang Geno points niya na lamang ang kulang at makakagraduate na siya.
Agad na nakita ng binatang lalaking si Do Eun ang kaniyang sariling nasa isang malawak na dilaw na talahiban. Talagang napakataas ng mga talahib na tumutubo rito.
Nakita na lamang ng binatang lalaking si Do Eun ang maraming mga naglalakihang mga yellow beetles sa ere. Kung hindi siya nagkakamali ay ang mga ito ay hindi agresibo ngunit kapag pinakialaman mo ang isa sa mga ito ay siguradong lalabas ang mga bagsik ng buong grupo nito. Makakakuha ka ng Geno points kung mapapaslang mo ang mga ito at pwede ring kainin ang karne ng halimaw na ito na magbibigay ng additional geno points. Tanging ang mapapakinabangan niya sa halimaw na ito ay ang pares ng pakpak nito na pakurba kung saan ay siyang depensa ng Yellow Beetle sa kaaway nito.
Napangiti na lamang ang binatang lalaking si Do Eun lalo na at hinihintay niya ang pagkakataong ito. Masasabi niyang masuwerte talaga siya kung tutuusin lalo na at isa ito sa pinakanagustuhan niyang paslangin na nilalang.
Walang inaksayang oras ang binatang lalaking si Do Eun at mabilis niyang inilabas ang kaniyang maliit na kutsilyong hawak at mabilis na sinugod ang kinaroroonan ng mga halimaw na Yellow Beetles.
Nakita niya ang nasa lupa lamang ang isang Yellow Bettle kung saan ay mabilis niyang nilundagan ito at pinatihaya. Napakalaki ng Yellow Beetle na ito kaya nahirapan din siyang patihayain ito at inambahan ng mga saksak.
Tumalsik naman ang mga dugo ng halimaw na Yellow Bettle na napaslang ng binatang lalaking si Do Eun.
You gained 1 Geno Points!
Tila natuwa naman ang binatang lalaking si Do Eun sa kaniyang narinig. It takes only a minute matapos niyang mapaslang ang nasabing halimaw yet he gained 1 geno points.
Bsssst! Bssst! Bsssst!
Nakarinig naman ng tunog ang binatang lalaking si Do Eun sa itaas niya. Kasalukuyan kasi siyang nakasalampak sa lupa habang hawak-hawak pa nito ang napaslang niyang Yellow Beetles.
"O-oh!" Sambit ng binatang lalaking si Do Eun nang makita nitong tila dumilim ang lugar na kinaroroonan niya kung saan ay nakita niya lamang na natakpan ang magandang kaulapan sa paningin niya ng mga grupo ng mga yellow beast.
Tila galit na galit nag mga itong nakatingin sa kaniyang kinaroroonan. Mukhang gustong-gusto na siya ng mga itong paslangin.
Nakaramdam naman ng ibayong panganib ang binatang lalaking si Do Eun lalo na at hindi niya naman aakalaing nandirito naman ang mga kasamahan ng mga ito. Hindi niya man lang naisip na may grupo ng mga nilalang itong kasama na kauri nito.
"Ahehe... Ang cute ng mga ito kanina pero ngayon binabawi ko na ang naiisip ko sa mga ito, takbo!!!!" Sambit ng binatang lalaking si Do Eun at mabilis na inayos nag sarili upang kumaripas ng takbo dala-dala ang napaslang niyang Yellow Beetle.
Kung nakikita lang ng iba ang mga pangyayari na ito kung saan ay walang tigil na hinahabol ang binatang lalaking si Do Eun ng mga grupo ng halimaw na Yellow Beetles kung saan ay tila hindi nila titigilan ito hanggat hindi nila napapaslang ang binatang lalaking si Do Eun. Talaga nga namang kahit may kaliitan ang mga Yellow Beetles ay hindi naman pwedeng baliwalain ang bilang ng mga ito na halos mag-iisang daan angbilang ng mga ito. Kaya ayaw na ayaw nila ang ganitong klaseng halimaw lalo na kung nag-iisa ka dahil hahabulin at papaslangin ka ng mga ito ng walang awa.
"Wag niyo kong sundan please lang!" Sambit ng binatang lalaking si Do Eun na hindi nito mapigilang magsalita kagaya ng mga tono ng pananalita nito sa Earth. Talagang nawala na ang inhibitions niya sa sarili lalo na nang mapansin niyang tila nakakahabol na sa kaniya ang mga Yellow Beetles. They are usually a cute one kung sa normal na araw pero kapag galit ang mga ito ay tila nagiging matingkad na dilaw ang balat ng mga ito na halos maging kayumanggi na ito. That is the reason why na ang ilan ay pumupunta rito ng grupo-grupo to avoid this things happening sa binatang lalaking si Do Eun.
"Kailangan kong mag-isip ng mabuti dahil kung hindi ay baka mapaslang ako ng mga ito!" Sambit ng binatang lalaking si Do Eun. Hindi na siya natutuwa. He really don't want to spend a single geno points lalo na at wala pa siyang nakolektang Geno points. Oo na, isa lang ang nakuha niyang geno points na pinagsisisihan niyang gawin ang kanina. Isa lang ang nakuha niyang geno poins tapos gagastos siya ng 10 hanggang 20 geno points. Isang unwise choice iyon para sa kaniya.
Habang nag-iisip ng malalim ang binatang lalaking si Do Eun ay aligaga naman ito sa pagtakbo ng mabilis. Alam niyang di siya titigilan ng mga ito hangga't hindi siya napapaslang ng mga ito.
...