Sasha's POV "Sasha, Madam Alice wanted to see you. Make it quick!" Kaagad akong napalingon sa aking likuran nang may tumawag sa akin. Nang marinig ko ang sinabi niya, dali-dali akong nagpunta sa isang magarang silid dito sa isang malaking mansyon sa Honolulu, Hawaii. "What does she want me to do this time?" Tanong ko sa babaeng tumawag sa akin. She just shrugged her shoulders as she tried to follow my lead. Isa siyang local dito na nagtatrabaho bilang isang kasambahay din ng isang kilalang mayaman na babae rito sa Hawaii na si Madam Alice Parry. Aakalain mong hotel ang kanyang bahay dito dahil sa sobrang elegante ng mga bagay sa loob. Matanda na ito, mukhang kasingtanda rin ata ni Tiya Nelly at pareho rin silang tumandang dalaga na. Baka pareho rin sila ng kwento sa buhay kaya gan

