Sasha's POV Nakahalukipkip ako habang nasa labas ng kwarto ni Parise at naghihintay sa asawa kong lumabas. Denver took a leave from his work this day until tomorrow dahil aasikasuhin niya ang medications ni Parise. Parise is doing great these past few days, unti-unti na rin siyang nagkakaron ng sigla sa katawan at hindi na maputla ang kutis. Denver bought some fresh fruits and vegetables for her and also for the baby. Kagabi, kinukwento niya sa akin ang tungkol sa pagrerenovate ng kabilang kwarto para sa magiging anak niya. Hindi ko maiwasang maging masaya para sa kanya ngunit ramdam ko rin ang lungkot para sa aking sarili. Andon parin yung pait eh, andon parin yung konting kirot habang naiisip kong magkakaanak na siya pero hindi sa akin. Andon parin yung konting sakit talaga pero m

