Sasha's POV "Ma'am Sasha, your car is ready." Napalingon ako sa isang babae na magiging kasama ko ngayon dito araw-araw opisina. Siya ang magiging assistant ko. "Salamat, Ava, susunod ako sa labas." Tumango ito sa akin atsaka ngumiti bago tuluyang tumalikod. Nilingon ko ang anak kong si Santi na ngayon ay abalang-abala sa nilalaro niyang sasakyan. Sobrang hilig niya sa mga laruang de kotse. "Anak, aalis muna si nanay at babalik din ako kaagad. You stay here with your nanny, okay?" Kaagad na tumayo ang anak ko atsaka dali-daling pumunta sa aking direksyon nang kunin ko ang aking bag. "Nanay! Sama na lang ako, please?" Lumuhod ako sa kanyang harapan atsaka inayos ang kanyang buhok. "Santi, hindi pwede ang mga batang katulad mo sa pupuntahanan ni Nanay. It's a construction site, anak."

