CHAPTER 2

1038 Words
CHAPTER 2 Recently I learned na hindi lang si Boss Kairo ang boss ko marami pala silang may-ari ng Black Eye Coffee isa na dito sila Boss Miyuki and Boss Touka. Hindi ko na maalala yung iba kase hindi ko pa naman nakikilala ang madalas kase na nag pupunta dito ay yung dalawa lang. They are all blessed in the body and face part. So I am even more inspired to go in and work every day. “AA can you take over the cashier for the meantime, I just need to go to LIT Bar in BGC. You’re in charge here while I’m away okay?.” “ Ok boss Kai, no problem babalik ka pa ba ulit?” “Maybe not, I'll be back tomorrow, my friend just arrived from the States. He was one of my business partners. I will introduce him to you soon.” Sabay ngiti pa sakin. Haist ka talaga boss ang pogi mo talaga. It's nice to know that Boss Kairo is showing me kindness, I feel like I have an instant brother. He was a kind and cheerful boss, so I was happy adjusting everything here in Manila. Malapit nang mag pasukan at naayos ko na din ang schedule ko para hindi ako mahirapan sa pagpasok sa school at pag pasok sa Black Eye. Pupuntahan ko si Boss Kai para makausap na kung pwedeng wag na muna akong ilagay sa pang magang Schedule dahil pasukan ka. Marahan akong kumatok sa opisina nito na dala dala ang kopya ng schedule ko sa school. “Come in” Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. “ Boss Can I talked to you for a moment?” “ Sure AA what is it?” Saka ko lang napansin ang lalaking naka pwesto sa may couch ng opisina ni Boss prente itong naka upo at naka tingin sakin. Susme kung ang boss ko pogi na etong isang to mas pogi pa. Bigla tuloy akong kinabahan sa sasabihin ko kay boss. Na conscious tuloy ako sa itsura ko. “ Ay, sorry Boss may bisita po pala kayo, ill come back later.” “ It’s Ok AA go on say it.” At bahagya pa itong tumingin sa kausap nito at ngumiti. “ Ah eh kase Boss mag rerequest po sana ako sa inyo ng schedule kung ok lang magpapalipat ako sa pang gabi boss magsisimula na kase ang klase ko e pang maga ang nakuha ko. Eto po pala boss Schedule ko.” At inabot ko kay Boss Kai ang schedule ko. Conscious na conscious ako sa pag uusap naman dahil nararamdaman ko ang mga tingin sakin ni pogi. Susme AA ariba ang ganda mo tinitignan ka hihihi. “Ah, Ganon ba AA sige kausapin ko si Dina tungkol sa Scheduling para ilagay ka nya sa pang gabi. Do you think you can make it? You studying and then in the evening you are working?” Pang uusisa pa nito at bahagya ngumiti ng nakaka loko. Ano kaya ang ngini ngisi ni Boss sa likuran ko. “Kakayanin boss para sa ekonomiya. Hehe Sige po boss lalabas na po ako.” “Wait AA, I’d like you to meet my cousin Kendric, Ken, this is AA, my trusted employee. She is new here 1 month palang sya dito sakin. AA my cousin Kendric.” Pagpapakilala nito saming dalawa. Well sanay naman akong ipinapakilala sa mga kaibigan ni Boss para familiar daw ako sa mga taong nagpupunta sa Coffee shop at para alam ko daw kung sino lang ang mga kakausapin ko tungkol sa kanya. Madami kaseng nag pupunta sa Shop na hinahanap si Boss puro chix ang karamihan at yung iba madalas ay mga barkada nito. I slowly turned to faced Boss's Cousin. Ngayon lang ako nahiya sa mga ipinakilala nya sakin karamihan kase sa mga ipinapakilala ni Boss sakin ay masayahin o makukulit agad na animoy matagal na nila akong kilala kaya nakakapalagayan ko agad ng loob. Pero etong pinsan nya na to masyadong seryoso kabaliktaran ni Boss sa pagiging Jolly at makulit. Pogi sana napaka seryoso naman ng mukha. Hmp! “ Ahh Hi Hello po Sir Athena Angela Short for AA or A’s sir nice to meet you” Nahihiya kong bati kay Kendric. Dahil matiim parin itong naka tingin sakin na animo’y binabasa ang saloobin ko. Letsugas naman talaga oo nakaka kaba naman tong maka tingin sakin halikan ko kaya tong pogi na to. Natatawa kong pag kausapn sa aking sarili. Umariba na naman ang ka lokohan ko hihi. Tumayo ito at bahagyang lumapit saakin. Shocks ang tangkad ni pogi 5’4 na ang height ko mataas na para sa Filipina na katulad ko pero diosmio nag mukha akong unano sa harapan nito. Magkasing taas halos pala ito at si Boss Kai na height na 6’1 hindi nalalayo sa taas ni boss Kai. Sabagay mag pinsan nga pala sila natural nasa Genes ang katangkaran at ka gwapuhan. Haist kayo na talaga ang mga pinag palang nilalang. Bahagya pa itong yumuko sa harapan ko para sipaatin ang maganda kong mukha. Marimar hindi ko alam kung saan papaling ang mukha ko na hiya naman ako baka may dumi ako sa mukha o baka na ngangamoy mabaho na ako dahil sa pawis. Napalunok ako sa ginawa nito. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko. Nakalimutan ko na din na nasa bandang likuran ko lang si boss at na nunuod sa amin. “ Ehem Kendric here, Nice to meet you.” Sabay tayo ng tuwid at abot ng kamay sa akin. Hai finally makaka hinga na ako ng kahit konti. Halos pigilan ko kanina ang paghinga ko dahil sa pagkakalapit namin. Inabot ko ang kamay nito. Shocks ang lambot naman nakakahiya ang kamay na batak na ngayon sa pag ttrabaho. Naramdaman ko ang bahagya nyang pagpisil sa aking mga kamay. May kung anong kakaibang init akong naramdaman na gumapang sa buong katawan ko pababa ng tyan ko papunta sa puson ko. Para akong ginapangan ng libo libong kuryente sa aking buong katawan. Is it just me or pati ba ito ay nakaramdam nun. Shocks dikit palang ng kamay nya nagwawala na ang katawang lupa ko. What is wrong with me? What was that? “Ah eh sige po sir Nice meeting you po ulit. Uuna na po ako sa inyo.” At dali dali kong hinila ang kamay kong hawak parin nito at mukhang ayaw bitiwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD