KABANATA 22 “Ang gago na iyon! Napanatag ang loob namin dati na ibigay ka dahil pinakita at pinatunayan niya sa amin na ipaglalaban ka niya tapos…” Nasapo ng ama niya ang ulo nito kaya inalalayan ito ng kapatid niyang maupo. Nasa loob na sila ng pamamahay nila ngayon. Nakaupo silang lahat sa sala at kahit pinauwi na niya ay naroon pa rin ang mag-amang Vernon at Vander. Hinayaan na lamang ni Jian at naisip na pakainin na lamang ang dalawa ng meriyenda mamaya kapag natapos na ang usapan nilang magpamilya. Nang maikwento sa kanila ang lahat ay kaagad na nagpuyos ang kaniyang ama sa galit samantalang ang ina ay umiiyak siyang niyakap. This was all what Jian needed. He wouldn’t regret telling them the truth now dahil labis siyang na-guilty nang itago niya ito sa kanila. “Ang anak ko, jusko!”

