KABANATA 35 Lumipas ang mga araw sa buhay ni Jian nang tahimik at matiwasay. Magmula noong araw na isiniwalat ni Felix sa kaniya ang lahat, hindi muna siya bumalik sa hospital. Dahil na rin iyon sa kagustuhan ni Felix. Mabuti na rin iyon at tumakbo na ulit sa normal ang buhay niya habang ito ay nagpapagaling naman. Paminsan ay binabalitaan naman siya ng sekretarya ng mga Anderson at anito ay maaari na raw itong makalabas ng hospital sa mga susunod na araw. Iyon lang, kahaharapin pa nito ang kaso sa nangyaring insidente. Tanging alam ni Jian ay nakakulong na ang ibang natitira sa mga tao ng ama ni Jennie at ang dalaga naman daw ay tulala na lamang at hindi na makausap sa institution. Nalibing na rin ang ama nito. Bukod sa mga balita na iyon, wala nang ibang nakuhang balita si Jian. Hindi r

