KABANATA 33 Mahinang napaungol si Jian nang maglaro ang mga dila nila ni Felix. He felt those familiar tingling on his stomach as Felix’s kisses then became gentle. Tila napapaso siya nang dumantay ang mga kamay nito sa kaniyang likod pagkatapos ay marahang tumaas at baba. Hindi niya alam kung ano ang nangyari kanina, pero ramdam niya sa mga halik nito ang paghahanap. Tila nangungumpirma ng kung ano. Nang makawala sa halikan ay kapwa pa sila hingal. Nanlalabo pa ang mga mata ni Jian nang sinubukan niyang aninagin si Felix na malamlam ang mga mata na nakatunghay sa kaniya. Felix gave him a kiss on his forehead bago siya nito pinakawalan para makatayong muli. Nanginig ang mga tuhod niya dahil sa nararamdaman pa ring pagkaalinsangan. Mabuti na lamang ay pumulupot ang mga kamay ni Felix sa k

