Kabanata 26 Daughter Ayokong maniwala. Pakiramdam ko pinagkaisahan ako ng lahat. Pakiramdam marami akong pinagkatiwalaang tao na hindi naman pala dapat. I feel betrayed. Oo, bumalik na si Eli. Ngunit wala roon ang buong atensiyon ng isipan ko ngayon. Hindi ito ang oras para isipin ko ang lalaking iyon dahil may mas importanteng bagay akong kailangang malaman. I can't believe this. I can't believe he has known me for a long time and I found out that just now. Bakit kailangan niya pang patagalin? Hindi naman ako matatakot sa kaniya! "Huy, ano! Nandiyan ka pa ba?" si Sela sa kabilang linya. Halatang aligaga siya.Bumuntong hininga ako bago binalingan sina Miss Darcy at Zach na parehong nakikinig sa pakikipag-usap ko kay Sela. "Wala na akong pakialam sa kaniya, Sela. Ano ngayon kung buma

