Kabanata 28 Friend Kakatapos lamang ng huling klase ko sa eskwelahan at balak kong pumunta ngayon sa mall. Hinatid ako ng driver sa pinakamalapit na mall. Balak kong bumiling ng ilang gamit para sa school. May exam ako bukas kaya kailangan ko rin umuwi ng maaga upang mag-aral. Hindi gusto ni Donya Florica na kung saan-saan pa akong nagpupunta pagkalabas ko sa school kaya uuwi ako ng maaga. "Kuya Arman, dito ka nalang. Mabilis lang po ako sa loob." sabi ko sa driver ko. Tumango ito at pinatay ang makina ng sasakyan. Lumabas ako ng sasakyan at sumunod naman sa akin ang body guard ko. Malayo ang agwat niya sa akin at hindi siya nagpapahalata na body guard ko siya dahil hindi naman niya ako kinakausap ngunit kahit na gano'n, naiilang pa rin ako nang may sunod nang sunod sa akin. Nakakailan

