Paris's POV "Hmm...mabilis kumilos si Jade ah." komento ni Ino nung masalo ni Jade ang bola mula sa unang swing ni Cess na hindi umabot sa fence. "Si Jade talaga ang una mong pinuna imbis yung pitcher nila." sabi ni Chelsea. "Madalas naman laging ka-one on one ni Cess yung pitcher nila kaya talagang mag-iimprove ito para hindi na sya i-home run ni Cess." sabi ni Rin. "Ang sabihin ninyo, si Jade lang talaga ang gusto ninyong panoorin." iling na sabi ni Chelsea. "Wag ka na magtaka pa, Chelsea." nakangising sabi ni Cess na kababalik lang. "Sinandya ko nga talagang sa kanya papuntahin yung bola." sabi nya habang inaalis ang helmet. "Ma'am Jo, nasabi ninyo na magaling si Jade maglaro noon. Sa tagal nyang hindi naglaro, siguradong hindi na sya ganong kagaling." sabi ni Marie. "Parang bata

