Jade's POV "Good job, Jade!" sabi ni Ate Mau sakin pagkapasok ko kinabukasan. "Laking tuwa sayo ni lead. Nagawa mo daw ng maayos yung computer ni president." "Ah." nahihiyang napakamot ako ng ulo. Nasa akin tuloy ang tingin ng mga tao rito. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang incident na yon eh hindi na nga ako nagkwento sa kanila. "Nice job, Jade. Nagulat na lang ako kanina na dumating si Ms. Carla na secretary ni Ms. Gremory para sabihin na nagpapasalamat sila sayo." sya naman dating ni Sir Martin ang lead namin. "Salamat po." nahihiyang sabi ko. Ano ba yan, dalawang linggo pa lang ako rito. "At dahil dyan, hahayaan na kitang mag-handle ng mga issue na kailangan puntahan. Mau, ikaw na bahala kay Jade, okay?" tanong ni Sir Martin. "Roger that, lead." sabi ni Ate Mau. "Galing g

