Jade's POV "Jade, puntahan mo si Paris sa kanila at kunin mo ang mga pipirmahan ko." nabilaukan ako sa sinabi ni Mama habang nasa hapagkainan kami. Mabilis kong kinuha ang baso ni Michael dahil walang laman yung sakin. "Ate!" sigaw ni Michael pero hindi ko sya pinansin at inubos ang laman ng baso. "Ma!" anak ng tokwa ka nga naman. Nagsisimula na naman si Mama mang-utos. "Walang magbabantay sa kapatid nya kaya hindi sya pwedeng umalis ng bahay nila. May mga lakad ang mga kapatid mo kaya hindi ko sila mauutusan." sabi ni Mama. Ang bilis nyang magdahilan. "Pero Ma!" maktol ko. "Jade, pakikuha na rin sa office ko ang papel. Alam na yon ni Cathy, sa kanya mo kunin." pag-uutos ni Papa. Mas lalo nila akong pipilitin puntahan si Paris nito eh. Pagkatapos kumain ay pinaalis na nila ako. Ilan

