Paris POV Mas maaga akong nagising kay Jade. Napangiti ako nung makita itong nakabuka ang bibig at may konting hilik. Hinalikan ko sya sa noo bago tumayo. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Naligo ako kagabi pero gusto kong maligo ulit dahil may nangyari samin ni Jade. May lakad kami ngayon kaya kailangan kong alisin ang amoy. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng malaking tshirt at underwear. Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina para magluto ng almusal namin. Dahil malakas kumain si Jade ay nagsaing ako ng kanin. Iniwan ko muna ito at bumalik sa kwarto. Kinuha ko ang mga madudumi naming damit at iniligay sa liligyan ng mga maduduming damit. Tumingin ako kay Jade na natutulog pa rin. Hindi ko alam kung may hangover pa ba sya pagkagising nya dahil nalasing sya kagabi pero

