Jade's POV Lunch time na pero nauna na uling kumain sila Ate Mau. Inaya ako ni Paris na kumain sa condo unit nya kaya papunta ako ngayon roon. Malapit lang ang condominium sa kompanya ni Paris kaya nilakad ko lang ito. Ngayon nasa elevator ako naghihintay makarating sa floor ng unit ni Paris. Nasa twentieth floor ang unit ni Paris. Nung makarating ay agad ko hinanap ang unit ni Paris. Agad akong kumatok nung makita ko. Wala pang ilang segundo ay binuksan ni Paris. "Hey, gorgeous." bati ko at pumasok ako sa loob nung luwagan nya ang pinto. Tumingin ako sa paligid at may ilan pang karton ang nakakalat sa sala nya. "Malapit ka na matapos sa pag-ayos?" tanong ko. "Sa tingin ko." sagot nya habang palakad sa isang direction. Sinundan ko sya at sa kusina pala ang punta nya. "Maupo ka na. Lut

