Pinilit ko mag-focus sa pagmamaneho. Nasa highway kami at naghahanap ang mga mata ko ng puwede kong likuan para makahinto saglit. Silvestre's inferiority complex cannot wait any longer. It has to be addressed right here. "No, no, that's not what I meant with any of these, Silvestre. I'm sorry kung iniwan kita kahapon. A-Akala ko kasi matatapakan ko ang pride mo bilang lalaki kapag pinanood pa kitang mapahiya. Gusto pa rin kita may pera ka man o wala...may trabaho ka man o wala." "That's supposed to make me feel better? Just because it's okay with you na ganito ako, okay na rin iyon sa'kin." "Bakit hindi? 'Di mo naman kailangang magtrabaho. Mayaman ka. Kung hindi mo magamit ang assets mo, ako at ang pamilya ko ang bahala sa'yo." inabot ko sa isang kamay ang gamit ko sa back seat. Kinu

