"Where's Leslie?" naulinigan ko ang boses ng paparating na si Laurel. He sounded mad and impatient. Nagmamadali ang hakbang ng mga paa niya. "Nasa pahingahan, Ser. Akin na ho iyang amerikana ninyo at baka kayo mainitan." "Salamat, Manang." "Lilie! Are you listening? This is very important!" Pagkuha ni Lucille sa atensyon ko sa kabilang linya. "A-Ah! Yeah? What was it again? Anong nalaman mo tungkol kay Silvestre?" nag-focus uli ako sa kanya. "Dumating kasi si Laurel mukhang galit. Sesermonan na naman ako no'n. Wait. Actually, may gusto rin akong sabihin sa'yo tungkol sa'min ni Silvestre." Binuksan ko ang folding door ng kalapit na silid— ang piano and cocktail room. Dala ko ang cordless phone, hinihintay si Lucille na matapos kausapin ang kung sino man na kasama niya sa Portugal.

